Stage 2 : Step 7

144 18 1
                                    

🔸🔸🔸
Dalawampung taon ang nakararaan
🔸🔸🔸

Matapos ang digmaan ay dinala ang mga sugatang sundalo sa isang ospital.

Maririnig ang pag-iyak ng mga tao sa loob at makikita din ang mga sundalong binawian na ng buhay.

Nagtungo si Gen. Lopez na may kasamang dalawang sundalo sa isang silid sa ospital at nilapitan ang isa sa mga sundalong pasyente.

"Alexis.." wika ng heneral nang makita nya ang sundalong kanyang pakay.

Kalunos-lunos ang itsura nito, wala na itong mga hita at binti, at kahit ang mga braso ay naputol na din. Makikita din ang bendang nakabalot sa naputol na bahagi ng katawan nito na kulay pula na dahil sa dugo.

"E-Earlwin.." tugon ng sundalo na nahihirapan magsalita.

Napalingon naman si Gen. Lopez sa sundalong katabi ng sugatang lalaki.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong nito.

"Nakasagupa sila ng isang manika.. nagawa nyang makaligtas subalit naputol ang dalawa nyang kamay.. at habang patakas sya.. nakaapak sya ng mina.. dahilan ng pagkawala ng kanyang mga paa.." malungkot na sagot ng sundalo.

"Himalang nabuhay pa sya at nadala dito.. pero sabi ng doktor.. hindi na din sya magtatagal.." dugtong nito.

Nagsalubong ang kilay ni Gen. Lopez sa narinig at muling tinignan ang sugatang sundalo. Bigla namang tumulo ang luha ni Alexis at pinilit na magsalita.

"Earlwin.. tulungan mo ko.. gusto ko pang mabuhay sa mundong ito.." wika ng sugatang sundalo kahit nahihirapan itong magsalita.

Hindi kumibo ang heneral at sinenyasan lang nito ang dalawa nyang kasama saka umalis ng ospital.

***

Makalipas ang ilang oras, sa loob naman ng isang laboratoryo ay dumating si Gen. Lopez at kinausap ang isang scientist.

"Kamusta ang lagay nya?" tanong ng heneral.

"Ah.. Gen. Lopez kayo po pala.. sa ngayon nagawa na naming mapanatili syang buhay.. pero masyado malaki ang damage sa lower part ng katawan nya.. posibleng hindi pa din magtagal ang buhay nya.." sagot ng scientist na nakatingin sa isang monitor ng computer.

Lumingon naman si Gen. Lopez sa kanyang kanan, kung saan makikita ang isang malaking salamin na may isang malaking silid sa kabila.

Sa kwartong iyon ay makikita ang ilang doktor na nakapalibot sa isang pasyenteng nakahiga sa isang operating table. Makikita din ang iba't-ibang malalaking apparatus na tila nakakabit sa pasyente.

"May iba pa bang paraan para mabuhay sya?" muling tanong ni Gen Lopez.

"Ah eh.. sa ngayon may isang paraan.. yun ay ang palitan ng artificial organ at body parts ang mga napinsala na bahagi ng katawan nya.." sagot naman ng scientist.

"Isang cyborg.." mahinang wika ng heneral.

Napalingon naman ang scientist sa heneral ng marinig itong magsalita.

"Huh? Gusto nyo po bang.. gawin namin iyon sa kanya?" tanong nito.

"Hmmm.. sige.. tapos balitaan nyo ko sa magiging resulta.." tugon naman ni Gen. Lopez at lumabas na ito ng kwarto.

***

Makalipas ang ilang araw ay nagtagumpay na gawing cyborg ng mga scientist si Alexis subalit may naging isang problema.

Dumating si Gen. Lopez sa isang silid kung saan makikitang patay sindi ang isang pulang ilaw at nagkakagulo ang lahat, habang makikita sa malaking salamin ang isang silid at sa loob nito ay pinipigilan ng mga tao na nakasuot na itim na uniporme ang isang tao na may tila bakal na kamay at paa.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon