Stage 1 : Phase 4

356 27 1
                                    

Nakatayo si Marco sa harap ng manikang nakasandal sa dingding. Tinitigan nya ang maamong mukha nito nang matanggal ang nakataklob na kumot nito sa ulo.

Lumuhod ang binata at hinawakan ang kumot para itaklob ulit sa ulo ng manika at muli syang napatitig sa mukha nito. Nabighani si Marco sa kagandahan ng manika habang nasisinagan ito ng liwanag ng buwan na nanggagaling sa bintana.

Parang nahipnotismo ang binata at unti-unti nyang inilapit ang kanyang mukha sa manika. Dahan-dahang naglapat ang kanilang mga labi at sa paghalik ni Marco ay naramdaman nyang gumalaw ang labi ng manika. Nagulat ang binata at bigla itong natauhan at napaatras.

Nakatulala si Marco habang nakaupo at nakatukod ang kamay sa sahig.

"Sandali.. gumalaw ba sya?" nanginginig na tanong ng binata sa sarili habang nakatitig sa manika.

Lalong kinabahan si Marco nang makita nyang dahan-dahang nagmulat ang mga mata nito. Nakaramdam ng takot ang binata kasabay ng muling pagkabighani nya sa manika. Mayroon itong buhay na mga mata na katulad ng kulay ng sa kanyang buhok.

Sandaling tinignan sya ng manika at saka ito lumingon-lingon sa paligid. Itinukod ng manika ang kanyang kamay sa sa sahig at sinubukang tumayo. Nalaglag ang kumot na bumabalot sa katawan ng manika at tumingin ulit ito sa binata.

"Sabihin mo.. nasaan ako?.." tanong ng manika.

Nagulat si Marco nang marinig ang mala-anghel ngunit matapang na boses ng manika. Hindi agad nakapagsalita ang binata dahil sa hindi nya inaasahan na sa ganung pagkakataon mabubuhay ang manikang ilang beses nilang sinubukang gisingin.

Nag-antay ng matagal ang manika at nagtaka ito nang wala syang narinig na sagot sa binatang nasa kanyang harapan.

"Hindi mo ba ako narinig?" tanong ng manika at napatingin sya sa sarili nyang katawan.

Nakita nito na wala syang saplot sa katawan kaya lumingon-lingon ulit sya sa paligid. Kahit na madilim ang bahay ay nakita nya ang isang kabinet sa may bandang sulok ng bahay.

Naglakad ang manika papunta doon at binuksan nito ang kabinet. Sinundan naman ito ng tingin ni Marco at nakita nyang isinuot ng manika ang kanyang t-shirt at pantalon na nasa kabinet.

Biglang natauhan ang binata sa nakita at napatayo ito sa kinauupuan.

"Teka! Anong ginagawa mo?" inis na tanong ni Marco.

Napatilig naman ang manika sa pagsusuot ng t-shirt at lumingon ito sa binata.

"Napansin kong nakatulala ka sa katawan ko.. iyon marahil ang dahilan kaya hindi ka makasagot sa tanong ko.. kaya nagsuot ako ng damit.." paliwanag ng manika.

Napayuko ng ulo si Marco at napapikit ng mata habang nag-iisip. Inangat ng binata ang kanyang ulo at lumingon-lingon sa paligid. Hindi nya alam kung paano at saan sya magsisimulang magtanong habang nakatitig sa kanya ang manika.

"Sandali lang.. pwede mo bang ipaliwanag sakin.. kung paano ka gumana? Kasi ang tagal naming hinanap ang switch mo sa katawan pero wala kaming makita.." tarantang tanong ni Marco.

Nagtaka ang itsura ng manika at lumapit ito sa binata at saka sumagot.

"Tinatanong mo ba talaga yan? Ikaw ang taong nasa harapan ko nang magising ako.. hindi ba't hinalikan mo ko?" balik na tanong ng manika.

Nagulat ang binata sa sinabi sa kanya at napaatras ito sa sobrang kaba.

"T-t-teka.. ipaliwanag mo nga.. paano ka naman magigising sa isang halik? Hindi naman siguro magical story ang nangyayari diba?" tarantang tanong ulit ni Marco.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon