Masayang nagtatrabaho sila Claire at Carol sa Food cafe na pag-aari ni Mrs. Gomez. Mayroon lang sapat na mga customers na dumarating ng araw na iyon kaya hindi sobrang abala ang dalawa.
Nasa loob ng kusina ang dalawang magkaibigan nang biglang maisipan magtanong ni Carol.
"Claire.. hindi mo na pala ako binabalitaan.." wika ng dalaga.
"Huh? Balita? Tungkol saan?" gulat na tanong naman ni Claire at napatingin ito sa kaibigan.
"Ano ka ba?.. syempre tungkol sa inyong dalawa ni Marco.. wala na ang tatay-tatayan mo.. kaya siguro naman.. wala ka ng maidadahilan ngayon.." sagot ni Carol.
Bigla namang namula ang mukha ni Claire at nakaramdam ito ng kaba.
"Hah!? Ah eh.. ano.. alam mo namang magkaibigan lang kami.. saka bakit ba pinipilit mo ang tungkol sa bagay na yan.." natatarantang paliwanag nito.
"Haaays.. ano ba kasing kinakatakot mo.. tingin ko naman.. gusto ka din ni Marco.." tugon naman ni Carol.
Hindi agad nakasagot ang dalaga sa sinabi na sa kanya at napaisip ito ng idadahilan.
"Ah.. kasi.. hindi ko muna iniisip ang tungkol sa bagay na yan.. kailangan ko muna kasing alagaan si Thyme.." sagot ni Claire.
Naguluhan naman si Carol sa sinabi ng kaibigan dahil parang wala itong kinalaman sa pinag-uusapan nila.
"Huh? Bakit naman napunta kay Thyme ang usapan? Saka bakit mo sya kailangan alagaan? Eh isa syang manika.." mga tanong ng kaibigan.
"Alam mo.. si Thyme.. hindi sya pangkaraniwang manika.. meron syang emosyon na tulad nating mga tao.. isa pa.. nung una palang napansin ko nang may pagkaisip bata pa sya.." paliwanag naman ni Claire.
Napakunot noo naman si Carol sa narinig at napaisip sya sandali.
"Hmmm.. napansin ko nga na kakaiba sya sa lahat ng manika.. sinasabi mo bang.. katulad sya ng tao na nagsisimula sa pagiging bata hanggang sa magmatured?" tanong nito.
"Oo.. kaya nga sa ngayon.. kailangan ko syang alalayan at alagaan.. hanggang sa tuluyan nyang maunawaan ang tunay na kahulugan ng buhay.. hanggang sa magmatured sya.." paliwanag ulit ni Claire.
"Ahh.. ang galing naman ng pagkagawa sa kanya.. saan mo ba nakuha si Thyme?" tugon naman ni Carol na walang kaalam-alam sa totoong pagkatao ng manika.
"Ah eh.. sa tambakan.." mabilis na sagot ni Claire.
Bago pa muling makapagtanong si Carol ay bigla nalang bumukas ang pinto ng kusina.
"Ano na?.. magkikwentuhan ba kayo diyan o magtatrabaho?" mataray na sabi ni Mrs. Gomez na sumilip sa kusina.
Bigla namang nagulat ang dalawa at agad na kinuha ang mga tray na may pagkain at lumabas ng kusina.
"Magtatrabaho po.." sabay na sagot ng dalawa.
***
Samantala, nagpunta naman si Thyme sa pabrika para sunduin si Marco.Nasalubong ng manika si Mr. Gason na palabas sana ng pabrika para magpahangin.
"Magandang hapon po!!" malakas na bati ni Thyme.
Nagulat naman ang matanda at bigla itong kinabahan nang makita ang manika.
"Ay Jusko po!" biglang sabi nito.
"Ikaw pala.. anong kailangan mo?.." nanginginig na tanong ni Mr. Gason na parang natatakot sa manika.
"Nandiyan po ba si Marco?" nakangiti namang tugon ni Thyme.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...