Stage 2 : Step 2

191 17 1
                                    

Sinabi ni Romel na ang isa sa nagmamay-ari ng kompanyang nakabili ng lupa na kinatatayuan ng mga bahay malapit sa tambakan ay kakilala ng Prime Minister ng bansa.

Nagulat sila sa kanilang nalaman at nagtimpi nalang sila sa galit at hindi na nakapagsalita.

Ilang minutong malungkot na katahimikan din ang namalagi sa loob ng silid at naputol lang ito nang magsalita ang manika.

"Claire.. hindi ba talaga ako pwedeng maging bayani?" malungkot na tanong ni Thyme.

Nabigla sila sa tanong ng manika at nabahala sa iniisip nito.

"Hindi totoo yan.. lahat tayo pwedeng maging bayani.." sagot naman ni Claire at niyakap nito ang manika.

"Bakit ganun? Tinulungan ko sila.. pero nagalit sila sakin.. hindi man lang nila ako pinasalamatan.." malungkot ulit na tanong ni Thyme.

"Ah.. ano kasi.." hindi naman makapag-isip ng paliwanag si Claire.

"Tinulungan mo ba sila para makatanggap ng papuri nila!?" iritang tanong naman ni Marco.

Nakayuko lang ang ulo ng manika at umiling lang ito at hindi nagsalita.

"Hindi naman pala eh.." dugtong ng binata.

"Marco.. ano ba? Nakita mo na ngang nasaktan sya sa nangyari eh.." inis namang sabi ni Claire sa binata.

"Tsk! Alam mo.. kung gusto mong tumulong.. huwag kang maghangad ng kapalit.. kahit pasasalamat.. ganun ang isang tunay na bayani.." inis na sabi ni Marco at hindi ito makatingin sa manika.

Nabigla si Thyme sa narinig at iniangat nya ang kanyang ulo at tumingin sa binata.

"Pero bakit si Claire?.. at si Carol nagpasalamat sila sakin noong tinulungan ko sila.. saka si Romel.. at pati ikaw.." tugon ni Thyme.

"Nagpasalamat kami.. kasi nagustuhan namin ang ginawa mo.." sagot naman ni Romel.

Sa kanya naman napatingin ang manika at tinanong din sya nito.

"Si Divine.. natutuwa ang mga tao sa kanya kapag tumutulong sya.. at tinatawag syang bayani.. bakit kapag ako.. nagagalit sila.." halos naiiyak na tanong ni Thyme.

"Alam mo Thyme.. hindi lahat ng tao.. pare-pareho ng pananaw sa buhay.. minsan kahit isinasakripisyo mo na ang buhay mo para sa kanila.. hindi pa nila pahahalagahan ang ginagawa mo.. minsan magagalit pa sila sayo at itataboy.." paliwanag naman ni Claire.

"Pero paano ako magiging bayani kung ganun?" tugon ng manika.

Sandaling natahimik ang lahat para mag-isip ng isasagot sa tanong ni Thyme.

"Gawin mo lang kung anong pinaniniwalaan mong tama.. kung alam mong kailangan ko silang tulungan.. gawin mo.. huwag kang umasa sa isusukli nila sayo.." iritang sagot ni Marco.

Napatingin lang si Thyme sa binata at hindi pa din nito maintindihan ang ibig nilang ipaliwanag.

"Ibig sabihin Thyme.. para maging isang bayani.. kailangan mo lang maniwala sa sarili mo.. kahit na wala nang gustong maniwala sayo.. ipaglaban mo lang kung ano sa tingin mong tama.." paliwanag naman ni Romel.

Hindi agad nakakibo ang manika at napaisip ito sa narinig.

"Ganun ba.. sige.." malungkot pa ding tugon ni Thyme na naguguluhan pa din sa totoo kahulugan ng kabayanihan.

***

Samantala may dalawang lalaki na nag-uusap sa isang sira-sirang gusali.

"Magagawa mo ba ang ipapatrabaho ko sayo?" tanong ng lalaking naka-amerikana at may kasama itong dalawang manikang lalaki.

"Oo naman.. sino bang manika ang gusto mong magmalfunction?" tugon ng isang lalaki na natatakpan ng isang anino ang mukha.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon