Stage 4 : Mission 1

148 12 1
                                    


Matapos ang sagupaan ng dalawang grupo, ay tanging sampu lang ang natirang buhay na sundalo, samantalang mahigit isang daang manika naman ang natira sa kanilang kalaban.

Nakabalik na ang nakaligtas na sundalo sa kanilang warship at matapos namang huminto sa paggalaw ang kanilang mga kalabang manika ay ipinasok din nila ito sa LP Shirley at nagdala sila ng tatlong manika sa laboratoryo para pag-aralan.

Pinayagan itong lahat ni Capt. Diadem matapos syang pakiusapan ni Thyme at kasama sa pinayagang makapasok sa warship nila si Garlic.

Habang binabasa ang mga report ay napabugtong hininga nalang ang kapitan at napasandal ito sa kanyang upuan habang nasa loob sya ng kanyang opisina sa LP Shirley.

*Sigh..

"Huh? Bakit kapitan may problema po ba?" tanong ni Rica na nasa loob din ng opisina ng kapitan.

"Sa tingin mo? Tama ba na pinayagan kong makapasok dito ang mga nakalaban nating manika?" balik na tanong ni Erich.

"Ah eh.. hindi ko din naman po masabi kung tama o mali po ang desisyon nyo.. maganda na naging kakampi na natin ang kaibigan ni Thyme.. pero hindi naman tayo sigurado kung kakampi nga ba talaga natin sya.." sagot naman ni Rica.

"Oo.. pero mas delikado kung pababayaan nalang natin sya.. baka bumalik lang sya sa Doll Corp." tugon ni Erich.

Hindi naman nagsalita si Rica at napaisip ito sa mga nangyari sa kanila.

"Mabuti pa.. magtungo na muna tayo sa laboratoryo.. alamin natin kung ano na ang natuklasan nila Dr. Camia at Dr. Lopez sa mga manikang nakuha natin.." wika ni Erich at tumayo ito para lumabas ng opisina.

Tumango naman si Rica bilang pagsang-ayon ay sumunod ito sa kapitan.

***

Samantala, nasa kanyang silid si Thyme at kausap si Garlic habang nakaupo sa kama nang biglang nagbukas ng pinto.

"Huh? Yumi.. ikaw pala.. halika ipapakilala ko sayo si Garlic.." wika ni Thyme nang mapalingon sya sa pinto.

Bigla namang naalala ni Garlic ang batang nakasama nya noon na si Ruby.

"Umalis ka dito!! Salbahe ka!" sigaw ni Yumi.

Nagulat naman si Thyme sa sinabi nang bata.

"Yumi alam kong naglaban kami kanina.. pero hindi naman talaga sya masama.. kaibigan ko sya dati pa.." paliwanag ng manika.

"Hindi ate Thyme!! Salbahe sya!! Sya ang pumatay kay mama!!" sagot ni Yumi.

Napatingin naman ang manika sa kanyang kaibigan at umiwas ito ng tingin sa kanya habang mapapansin ang malungkot na mukha nito.

"Hindi ko alam.. sa dami ng taong napatay ko.. hindi ko na maalala ang mga mukha nila.." malungkot na sabi ni Garlic.

"Sinungaling! Ikaw ang umatake samin nun sa barko!" sigaw ng batang babae.

Naalala naman ni Garlic ang babaeng pinaslang nya noon na may kasamang bata sa barkong sinalakay nya.

Makikita ang panggigigil ng marionette na may kulay dilaw na buhok na parang nagsisisi sa nagawa.

Humarap naman si Thyme sa bata para paliwanagan ito nang makita ang naging reaksyon ng kaibigan.

"Yumi.. hindi nya sinasadya yun.. magulo pa ang isip nya nun.. kaya pakiusap.. patawarin mo na sya.." wika ng manika.

"Hindi!!! Hindi ko sya mapapatawad!!" sagot ni Yumi at tumakbo ito paalis na umiiyak.

"Sandali Yumi!" wika ni Thyme ngunit biglang nagpakita si Nico sa pinto na nakatitig ng masama sa kanila.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon