🔸🔸🔸
Buwan ng Disyembre, Taong 2050
🔸🔸🔸Napag-alaman ng apat na magkaka-alyadong bansa (Philippines, China, Japan, Korean) na sa lugar na lamang nila may natitirang mga tao sa mundo.
"Hindi ako makapaniwalang nagawang palitan ng Doll Corp. ang mga tao ng mga manika.."
"Nagawa nilang makopya ng perpekto ang imahe ng isang tao.. kahanga-hanga talaga.."
"Hindi ito ang oras para hangaan ang Doll Corp.! Nakita mo ba ang ginawa nila sa bansa namin!?"
"Nakapagbigay naman kami agad ng tulong sa inyo.. bakit kailangan mong sumigaw?"
"Nandito tayo para pag-usapan ang gagawin nating hakbang.. at hindi para magtalo.."
"Imumungkahi ko na unahin nating sakupin ang Asia.. mas mahina ang pwersa ng Doll Corp sa mga bansang malapit satin.."
"Sang-ayon ako.. sige.. magplano na tayo kung paano natin gagawin yan.."
Pag-uusap ng mga pinuno ng apat na bansa.
🔹🔹🔹
Sampung buwan ang lumipas at nagawang masakop ng apat na bansa na ito ang mga bansa sa Asia at matanggal ang mga base militar ng Doll Corp. dito.
⚪⚪⚪
Buwan ng Septyembre, Taong 2051Binalak naman nilang makuha ang mga bansa sa middle east at pinangunahan ito ng bansang Japan at Pilipinas.
"Haaaaays ang init naman dito! Bakit ba kasi kailangan nating sumabak sa digmaan? Hindi nalang puro manika ang ipadala nila.." reklamo ni Marco habang nakaupo malapit sa bintana sa loob ng isang bahay.
"Alam mo.. hindi ganun kadali yun.. hindi sapat ang resources ng mga bansa natin para makagawa ng manika na kasing dami ng sa Doll Corp." paliwanag naman ng isang lalaki, na may singkit na mata, habang nakasilip sa bintana at tila may inaabangan.
"Alam mo Shin.. hindi din naman ganun kadali gumawa ng tao.. mag-aantay ka pa ng ilang taon para lang maging sundalo ang isang bagong silang na sanggol.." sagot ni Marco.
"Pero sa teknolohiya natin ngayon.. mas madaling gumawa ng tao kaysa manika.." tugon naman ni Shin.
"Artificial Human.. bakit ba hindi nalang ganun ang gawin nila.." wika ni Marco.
"Sa pagkakaalam ko.. tinututulan nila ang paggawa ng homunculus.. dahil hindi daw makatao yun.." sagot ni Shin.
"Ibig sabihin.. mas makatao pala ang pagpapadala nila ng totoong tao sa gera, tulad natin?.." tanong naman ni Marco.
"Hindi ko masasagot yan.." tugon nalang ni Shin.
Maya-maya lang ay naramdaman nilang may papakyat ng hagdan kaya nagmadali si Marco na damputin ang baril nya na nakasandal sa pader at nagtungo din sya sa bintana at nagkunwaring nagbabantay.
Dumating ang isang matangkad na babae na may mahabang buhok subalit nakapusod ito.
"Kamusta dito? Wala ba kayong napansing kakaiba?" tanong ng babae.
"Okay naman po Captain Diadem.. sa ngayon.. wala kaming namamataang kalaban.." sagot ni Marco habang nakatingin lang sa labas ng bintana.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...