Stage 1 : Last Phase

200 21 1
                                    

Pumutok ang computer tablet na inaayos ni Thyme at napansin ni Romel na tila wala sa sarili ang manika habang nagtatrabaho.

"May problema ba? Himala na nagkakamali ka sa ginagawa mo eh.." tanong ng lalaki nang lapitan nya si Thyme.

Napalingon sa kanya ang manika at mapapansin ang malungkot na mukha nito.

"Romel.. bakit ganun? Nalulungkot ako.. naaalala ko ang pagkawala ni Chervil.." tugon ni Thyme.

"Chervil? Sya ba yung sinasabi mo na nagsakripisyo ng buhay para sayo?" tanong ni Romel.

Muling lumingon ang manika sa kanyang ginagawa.

"Oo.. sya ang ate ko.. sabi nya maging masaya ako.. pero.. hindi ko magawang maging masaya kapag naiisip ko ang nangyari sa kanya.." malungkot na sagot ni Thyme.

Umupo ang lalaki sa lamesa na pinaggagawaan ng manika.

"Sinisisi mo ba ang sarili mo sa pagkamatay nya?" tanong ni Romel sa manika.

"Sa tingin ko.. kasalanan ko talaga yun.. hindi ko sya nagawang protektahan.. ako nalang ang lagi pinoprotektahan nila.. dapat ako nalang ang nawala.. at hindi sila.." tugon ni Thyme habang naiinis sa sarili.

Napaisip naman sandali ang lalaki bago ito ulit nagsalita.

"Hindi ba sabi mo.. kung ikaw ang nasa kalagayan nya.. ganun din ang gagawin mo?.." muling tanong ni Romel.

Hindi sya tinignan ng manika at malungkot itong tumango.

"Isipin mo.. kung sya ang buhay ngayon.. at ikaw ang namatay.. gusto mo bang maging malungkot sya ngayon? tulad mo?" dugtong ng lalaki.

Unti-unting napatingin sa kanya ang manika at umiling ito.

"Ayaw.." malungkot na sagot ni Thyme.

Napangiti naman ang lalaki at ipinatong nya ang kamay sa ulo ng manika.

"Ganun din ang gusto ni Chervil.. pinotrektahan ka nya.. at isinakripisyo ang buhay nya.. dahil gusto nyang magpatuloy ka sa buhay.. at maging masaya.." paliwanag ni Romel sa manika.

Tumango ulit si Thyme sa sinabi ng lalaki ngunit mapapansing malungkot pa rin ito at tila hindi nakumbinsi sa paliwanag ni Romel.

Bigla namang tumunog ang cellphone ng lalaki at kinuha nya ito sa bulsa para sagutin.

"Hello.. sino to?" tanong ni Romel.

"Marco.. ikaw pala.. bakit ka napatawag? saka.. kaninong phone ang gamit mo?" muling tanong ng lalaki at bigla itong napatayo sa pagkakaupo sa lamesa.

"Ano!? si Claire?" gulat na sabi ni Romel.

Napatitig sa kanya ang manika at nagtataka sa mga sinasabi nito.

"Oo.. andito sya kasama ko.. sige susunod na kami diyan.." wika ng lalaki.

***

Samantala, sinalubong ni Carol sila Marco at Mr. Gason na hinihingal pang dumating sa harapan ng ospital.

"Si Claire?" mabilis na tanong ni Marco.

"Nasa loob sya ng isang kwarto sa ikalawang palapag.." sagot ni Carol at tumakbo ito papasok ng gusali.

Sumunod naman agad ang dalawa at hindi pansin ang pagod sa ginawang pagtakbo. Nang makarating sila sa ikalawang palapag ng ospital ay huminto si Carol sa ikalawang pinto na kanilang nadaanan.

"Dito.." wika ng dalaga.

Hindi naman nagdalawang isip si Marco at binuksan nito ang pinto.

"Claire!!" malakas na sabi ng binata.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon