Stage 4 : Mission 3

150 14 1
                                    


Dumaan sa Atlantic ocean sila Thyme at Garlic pababa ng Caribbean sea para umikot patungo sa North Pacific ocean papuntang Washington.

Habang naglalakbay ay nagkausap ang dalawa para sa kanilang plano.

"Madami ba tayo agad na makakaharap na kalaban pagdating natin dun?" tanong ni Thyme.

"Ang alam ko lang may mga nagpapatrolya na mga Vanguard at manika sa buong Washington.." sagot ni Garlic.

"Yung mga manika ba na yun ay mga tao din?" muling tanong ng manika.

"Oo.. at duda ako na baka pati ang mga vanguard.." malungkot na tugon ng kaibigan nito.

"Tsk! Ano ba talagang gusto nilang mangyari? Bakit kailangan nilang ilagay ang utak ng tao sa mga makina.." inis na sabi ni Thyme.

Hindi na muna kumibo si Garlic at nagkaroon sandali ng katahimikan sa pagitan nilang dalawa.

"Thyme.. nung naglaban tayo.. 90% ng power mo ang inactivate mo.. pero bakit nasa 30% lang ata ang ginamit mo nun?.." tanong ni Garlic.

"Huh? Dahil wala naman akong balak na wasakin ka.." sagot ni Thyme.

"Eh paano kung ako makawasak sayo!?" pasigaw na sabi ni Garlic.

"Hm? Alam ko namang hindi mo magagawa yun.. kasi ramdam ko din na nasa 30% lang din ng lakas mo ang ginamit mo nun.." nakangiting paliwanag naman ni Thyme.

"Pasaway ka talaga.. paano kung humahanap lang ako ng tamang pagkakataon nun para wasakin ka.." sabi ng kaibigan nito.

"May tiwala ako sayo.. matagal na tayong magkaibigan eh.." tanging tugon ng manika.

Napangiti nalang si Garlic sa kanyang narinig at hindi na sya kumibo pa at nagfocus nalang sa kanilang paglalakbay.

Lumipas ang ilang araw at nakarating din ang dalawa sa kanilang destinasyon. Mula sa malayo ay natanaw ni Garlic ang syudad na nababalot ng makapal na hamog.

"Nandito na tayo.." wika nito.

"Sige.. magdahan-dahan nalang tayo sa paglapit.." sabi naman ni Thyme.

Tahimik silang nakarating sa daungan at hirap na makita ang paligid dahil sa makapal na hamog. Nagsimulang maglakad ang magkaibigan sa syudad para magtungo sa headquarters ng Doll Corp. subalit napansin nilang tahimik ang buong lugar at wala silang nakitang kahit isang manika na nagpapatrolya.

"Bakit parang abandunado na ang lugar na toh?" tanong ni Garlic.

"Hindi kaya.. lumipat na sila ng headquarters?" tugon naman ni Thyme.

"Maganda siguro umakyat tayo sa isang mataas na gusali para masilip natin.." mungkahi ni Garlic.

"Sige.." sang-ayon nang manika kaya tumingala ito at bahagyang ibinaluktot ang mga paa.

"Teka anong gagawin mo?" tanong nang kaibigan nito nang makita sya na parang balak tumalon.

"Huh? Aakyat sa taas.." sagot ng manika.

"Gumamit nalang tayo ng hagdan baka mamaya mapansin pa nila tayo sa gagawin mo.." sabi naman ni Garlic at naglakad ito papasok sa isang gusali.

Napaisip din si Thyme sa sinabi sa kanya ng kaibigan kaya sumunod nalang sya dito.

Tahimik na pumanik ng hagdan ang dalawa at bago pa sila makarating sa tuktok ng gusali ay may napansing kakaiba si Thyme mula sa salamin na bintana.

Napansin nya na may gumalaw sa labas na tila hindi nakikita ng pangkaraniwang mata.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon