🔸🔸🔸
Labing anim na taon ang nakakalipas
🔸🔸🔸Buwan ng Hulyo, Taong 2035
Nasa isang misyon si Erich Diadem kasama ang dalawang manika at ang namumuno sa kanila na si Lt. Reymark Masalig.
"Sgt. Diadem.. naririnig mo ba ko?" tanong Lt. Masalig nang pindutin nya ang maliit na bagay sa kanyang balikat habang nagtatago sya sa itaas ng isang puno.
"Loud and Clear Lieutenant.." tugon naman ni Sgt. Diadem na nakatago din sa itaas ng isa pang puno.
"Copy.. Red and Blue.. nakikita nyo ba ang dalawang manika sa harapan ng gusaling yan?.." tanong ni Reymark.
"Yes.."
"Ready to Engage.." tugon naman ng dalawang manika."Sgt. Diadem.. pagnakuha ni Red at Blue ang atensyon ng dalawang manika.. sabay tayong papasok sa loob.. ikaw sa kanang pinto.. ako naman sa kaliwang pinto.." paliwanag ni Reymark.
"Roger.." tugon ni Erich.
"Ready.. Engage!!" agad na utos ng tenyente.
Mabilis na tumalon pababa ng puno si Red at Blue saka pinagbabaril ang dalawang manika na nagbabantay sa gusali gamit ang beam rifle.
Gumanti din ang dalawang kalabang manika at pinagbabaril din ang mga ito.
Tumakbo naman palapit sa kalaban sila Red at Blue habang bumabaril at nang makalapit sila ay nakipaglaban sila ng mano-mano sa dalawang manika.
"Ngayon na!" mabilis na utos naman ni Lt. Masalig at sabay sila ni Sgt. Diadem na bumaba ng puno, at tumakbo papasok ng gusali.
Nakapasok ang dalawa sa magkaibang kwarto at agad naman silang sinalubong ng dalawang manika sa magkabilang silid.
Nailagan ni Reymark ang kamao ng manika na bumungad sa kanya at mabilis nyang naitutok ang hawak nyang baril sa ulo nito.
Nawasak naman ang ulo ng manika na nakaharap ng tenyente nang mabaril nya ito ng beam rifle.
Samantalang si Erich ay tinamaan ng sipa ng manikang nakaharap nya dahilan para tumalsik sya sa kanang bahagi na pader.
Napaluhod ang dalaga matapos tumama sa pader at agad syang nilapitan ng manika para suntukin.
Napapikit nalang si Erich dahil hindi na nya magagawang maiwasan ang kamao ng kalaban subalit biglang dumating si Red para saklolohan sya at nabaril nito ang kalabang manika sa ulo.
Sandaling natulala ang dalaga sa nangyari at tumayo ito para magpatuloy sa kanilang misyon.
"Salamat.." wika nito sa manika.
"Anong ipag-uutos nyo?" tanong ni Red.
"Ah.. ako ang mauuna.. back-up-an mo ko.." utos ni Sgt. Diadem.
"Copy.." tugon ng manika.
Naunang tumakbo ang dalaga papunta sa ikalawang palapag ng gusali at sinundan naman sya ng manika.
Nagawa nilang matalo ang mga manikang nakakasalubong nila hanggang sa makarating sila sa ikaapat na palapag ng gusali.
Nagtagpo ang landas nila Sgt. Diadem na kasama si Red at Lt. Masalig na kasama naman si Blue nang makarating sila sa huling palapag.
"Sergeant.. mabuti naman at ligtas kayo.. iisa lang din pala ang mapupuntahan natin.." wika ni Lt. Masalig.
"Lieutenant.. hindi ba nakakapagtaka ito?.. madali tayong nakarating dito.." tanong ni Sgt. Diadem.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...