🔸🔸🔸
Sa kasalukuyan
🔸🔸🔸
Buwan ng Septyembre, Taong 2051
Nagulat si Capt. Diadem dahil hindi nya akalain na ganun kadami ang bilang ng hukbo ng Doll Corp. na nasa command center nito sa Libya."Inaasahan ko na mas madami sila kaysa satin.. pero sobrang dami ng bilang nila kumpara sa inaasahan ko.." tulalang sabi ni Erich sa sarili.
"Kapitan.. nagsimula na pong lumusob ang mga templar at manika ng WD Tamaraw!" wika ng isang lalaki.
"Ikonekta nyo ko kay Capt. Reyes!" utos naman ng kapitan.
"Opo!!" tugon ng lalaki at ilang saglit lang ay lumabas si Capt. Reyes sa screen ng isang malaking monitor.
"Kapitan! Masaydo silang madami! Kailangan nating umatras!" tarantang sabi ni Erich.
"Hah!? Ano bang pinagsasabi mo Capt. Diadem? Kahit kailan hindi ako umaatras sa misyon ko! Hindi ako duwag kagaya mo! Kung gusto mo umuwi na kayo!" galit na tugon ni Capt. Reyes.
"Pero kapitan--!!.." tanging sabi ni Capt. Diadem at bigla nalang namatay ang monitor.
Napahampas nalang ng kamao ang kapitan sa kamay ng kanyang upuan.
"Uh!! Ang hangal na yun! Hindi talaga sya nag-iisip!!" inis na sabi nito.
"Capt. Diadem! Ano na pong gagawin natin?" tarantang tanong naman ng isang babae.
Hindi agad nakasagot ang kapitan at nag-isip muna ito sandali.
"Humanda kayo!! Tutulungan natin silang lumaban!" utos ni Erich.
Sa kabilang warship naman ay natataranta na din ang mga taong sakay nito.
"Capt. Reyes! Magpapakawala ng beam particle ang dalawang warship ng kalaban!" nagmamadaling sabi ng isang babae.
"I-activate ang force shield! Bilisan nyo!!" agad namang utos ng kapitan.
Magkasunod naman tumama ang dalawang beam particle sa WD Tamaraw at kahit naka-activate ang force shield nito ay halos bumaliktad ito sa lakas ng pinakawalang kapangyarihan ng kalaban.
Bigla namang lumabas sa screen ng monitor ang isa sa mga lieutenant ni Capt. Reyes.
"Kapitan! Mabilis pong nauubos ang manika at templar natin masyadong marami ang vanguard ng kalaban.." tarantang sabi ng tenyente.
"Pwes! galingan nyo ang pakikipaglaban!! Wala sa bokabolaryo ko ang matalo sa isang digmaan!!" galit na tugon ng kapitan.
"Pero.. kahit gaano pa po kami kagaling.. masyado po talaga silang madami.." pagdadahilan naman ng tenyente.
"Tumahimik ka! Gawin mo nalang ang ipinag-uutos ko!" pasigaw na utos ni Capt. Reyes.
Wala nang nagawa ang tenyente kundi magpatuloy nalang sa pakikipaglaban at nagpaalam na ito sa kanyang kapitan.
Magkasabay namang lumabas sa screen ang dalawang sundalo ni Capt. Diadem para kausapin sya.
"Kapitan.. marami na pong nalalagas sa pwersa ng WD Tamaraw.." wika ni Sgt. Masalig.
"Masyadong madami ang kalaban.. kailangan pa ba talaga nating lumaban? Pwede namang tayong umatras na muna diba?" tanong naman ni Lt. Sato.
"Lieutenant.. hindi naman natin pwedeng pabayaan nalang mamatay ang ibang mga sundalo.. kahit papano kasamahan pa din natin sila.." paliwanag ni Capt. Diadem.
"Masyadong hangal ang kapitan nila.. hindi nya ba naisip na magpapatiwakal lang sila sa desisyon nya.." inis na sabi ni Lt. Sato.
"Lieutenant.. sa ngayon tulungan nalang muna natin sila.. maiisip nya din na kailangan nating umatras.." sagot ni Capt. Diadem.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...