Stage 1 : Phase 11

233 14 1
                                    

Maalinsangan ang panahon, abala ang mga tao sa paggawa, isang bata ang tumatakbo patungo sa kanyang tahanan. Pumasok sya sa isang gusali at umakyat sa ikalawang palapag at pumasok sya sa unang pinto na kanyang daanan.

"Ginoong Gason! Bakit mo ginawa yun!!?" sigaw ng batang lalaki.

"Marco!? Anong ginagawa mo dito? Diba nasa paaralan ka?" wika ni Mr. habang may inaayos na lababo.

"Bakit!? Sinong nagsabi na pwede nyong ipamigay si Claire!?" muling sigaw ng bata.

Nalungkot ang mukha ng lalaki at hindi alam kung paano magpapaliwanag.

"Alam mo kasi Marco.. bagsak ang ekonomiya ng bansa.. at wala ding pondo ang gobyerno natin.. hindi na sapat ang ibinibigay na sahod naming mga sundalo.. para suportahan ko kayong dalawa.." malungkot na sagot ni Mr. Gason.

"Ano naman ngayon!? Magtatrabaho ako! Hindi nyo kailangang ipamigay si Claire sa iba tao!" galit na sabi ni Marco.

"Hindi mo nauunawaan.." tugon ng lalaki.

"Anong hindi ko nauunawaan!? Diba sabi mo pamilya tayo! Diba sabi mo! Hindi ka papayag na magkahiwalay tayong tatlo! Bakit ngayon ipamimigay mo si Claire!" sigaw ni Marco.

"Alam mo kasi.. mataas ang katungkulan ng sundalong umampon kay Claire.. mas may kakayahan silang bigyan sya ng magandang buhay.." malungkot na paliwanag ni Mr. Gason.

"Wala akong pakialam sa magandang buhay na yan! Ang gusto ko ibalik mo si Claire!" galit na tugon ng bata.

Nagsalubong ang kilay ni Mr. Gason at nilapitan nito si Marco saka sinampal.

"At anong gusto mo!? Magkasama kayong mamatay sa gutom!?" sigaw ng lalaki.

Natulala naman ang bata pero lalo itong nagalit.

"Oo!! Dahil matagal na dapat kaming patay!" sigaw ni Marco at tumakbo ito palabas ng kwarto.

"Marco! Bumalik ka dito!" utos naman ni Mr. Gason subalit hindi na nya nagawang sundan ang bata.

***

Samantala, nasa balkunahi ng barko ang isang batang babae at nakatingin sa malawak na karagatan. Lumapit ang isang babae sa kanya na may mahabang buhok.

"Claire.. ayaw mo bang pumasok sa loob?" tanong ng babae.

Lumingon ang bata sa babae na may malungkot na itsura.

"Saan po tayo pupunta?" tanong ni Claire.

Umupo ang babae sa harap ng bata para paliwanagan ito.

"Pupunta tayo ng Leyte.. doon kasi naka-assign ang magiging bago mong papa.." sagot ng babae.

"Bagong papa?" nagtatakang tanong ni Claire.

"Oo.. at ako naman ang bago mong mama.." tugon ng babae.

"Eh si Marco po? May bago din syang mama at papa?" tanong ng bata.

Napaisip naman ang babae dahil hindi nya kilala ang tinutukoy ng bata.

"Ah eh.. sino si Marco?" balik na tanong nito.

"Kaibigan ko po.." sagot ni Claire.

"Ah.. ganun ba.. oo.. magkakaroon din sya ng bago papa at mama.." mahinahong sagot ng babae.

"Pupunta din ba sila sa pupuntahan natin?" tanong ulit ni Claire.

Muling nag-isip ang babae para sagutin ang bata.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon