Stage 1 : Phase 8

313 20 1
                                    

Masinsinang nag-usap ang tatlo sa kwartong tinitirahan ni Romel. Hindi makapaniwala ang dalawa matapos marinig ang ginawang pagwasak ng Endeavor Corp. (mas kilala ngayon bilang Doll Corp.) sa sampung marionette na ginawa ni Dr. Calf.

"Matapos nilang gamitin sa digmaan.. at pakinabangan sa makasariling hangarin.. ipapawasak nila ang mga manika.. paano na ang mga batang nakakulong sa katawan na yun?.." naiiyak na wika ni Claire.

Nanggagalaiti naman si Marco sa narinig ngunit may bigla itong naisip.

"Sandali lang.. ang sabi mo.. ang gusto talaga nila ay magkaroon ng imortal na katawan.. bakit nila winasak ang mga manika? Bakit hindi nila sinubukang kopyahin kung paano nalang ito ginawa? At paano nailipat ang mga utak ng tao sa manika" tanong ng binata.

"Dahil hindi nila iyon magawa.. ayon sa impormasyong nakuha ko.. sinubukan nilang gawin yun.. matapos nilang ma-override ang isang manika.. pero nang subukan nilang tanggalin ang ulo nito para buksan at pag-aralan.. agad itong sumabog.." paliwanag ni Romel.

Nasupresa naman ang binata sa sinabi ng lalaki.

"Ganun pala.. may sariling pag-iisip ang mga manikang iyon.. kaya nila in-override.. para mapasunod nila sa gusto nila.." bulong ni Marco sa sarili habang napapaisip.

"Pero kahit papano.. nagawa nilang makagawa ng 70% na digital copy ng utak ng isang tao.. kaya muling nagpatuloy ang Doll Project.." dugtong ni Romel.

"Kung winasak nila ang unang sampung manika.. bakit buhay pa si Thyme?" nagtatakang tanong naman ni Claire.

"Nakaligtas sya.. at hindi iyon alam ng Endeavor Corp. inakala nilang nawasak na ang lahat ng manika.." sagot ni Romel.

Muling napaisip si Marco sa mga nangyayari at may isa pa itong katanungan na gusto masagot.

"Sabihin mo nga.. paano mong nalaman ang lahat ng tungkol dito?" tanong ng binata habang nakatingin ito sa kaibigan at nakakunot ang noo.

Hindi agad nakasagot ang lalaki at iniligpit muna nito ang mga mahahalagang papeles na nasa lamesa.

"Dahil isa ang tatay ko sa mga doktor na nagtrabaho sa ilalim ng Project Marionette.." sagot ni Romel matapos nitong maitago ang envelope at folder sa drawer ng lamesa.

Nagulat ang dalawa sa sinabi ng lalaki at hindi nila alam kung ano ang itutugon nila sa kanya.

"Sa ngayon.. mas magandang ilihim nyo sa lahat ang tungkol dito.. masyadong delikado kung malalaman ng Doll Corp. na nakaligtas si Thyme.. hindi lang sya ang mapapahamak.. kundi lahat tayo na nakapaligid sa kanya ngayon.." wika ni Romel.

Hindi na kumibo pa ang dalawa at tumango nalang sila bilang pagsang-ayon sa lalaki. Sabay na tumayo ang dalawa at nagpaalam na kay Romel.

"Kailangan na naming umalis.. hahanapin pa namin si Thyme.." paalam ni Claire sa lalaki.

Napatingin naman si Romel sa kanila at tumango ito.

"Sige.. siguro naman nahimasmasan na yun ngayon.. mag-iingat kayo.." tugon ng lalaki.

Nagtungo na ang dalawa sa pinto at lumabas na sila ng gusali para hanapin ang manika.

Sampung minuto silang naghanap bago nila napagpasyahang maghiwalay para mas madali nila itong makita.

Nagtungo si Claire sa ospital na kinaroroonan ni Grace at sa tulay papunta sa bahay ni Carol ngunit hindi nya ito nakita.

Nagpunta naman si Marco sa pabrika at pagkatapos ay nagtungo sya sa tambakan.

Sa isang bundok ng mga luma at sirang gamit ay nakita ng binata na nakaupo si Thyme. Umakyat sya doon at naupo sya malapit sa manika.

"Nag-aalala na sayo si Claire.. mas maganda siguro umuwi na tayo.." wika ni Marco.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon