🔸🔸🔸
Dalawamput dalawang taon ang nakakaraan
🔸🔸🔸Isang mapayapang lugar kung saan sa malawak na kapatagan ay may isang malaking bahay na gawa sa kahoy. Makikita ang luntiang kapaligiran dahil sa mga maliliit na damo sa paligid at may malapit din na kakahuyan sa kinatatayuhan ng malaking bahay.
Nakaupo ang isang lalaki habang nagbabasa ng libro sa balkunahi ng bahay.
"Dr. Calf! Halika dito! Sumali ka samin maglaro!" sigaw ng isang dalaga na kumakaway pa sa lalaki sa hindi kalayuan.
Napatingin ang lalaki sa dalagang kumakaway sa kanya. Inilapag nya ang kanyang binabasang libro sa lamesa na nasa balkunahi at pinuntahan ang dalaga.
"Ano ba yun Thyme? Hindi ka ba nila sinasali sa paglalaro?" tanong ni Dr. Calf sa dalaga nang malapitan nya ito.
Sumimangot naman ang dalaga at nagsalubong ang kilay nito bago sumagot.
"Hindi eh.. laging nagagalit sakin si Chives eh!" inis na reklamo ni Thyme.
Natawa naman ang lalaki nang makita ang reaksyon ng manika.
"Hahaha! Bakit naman kasi sya nagagalit sayo?" natatawang tanong ni Dr. Calf.
"Kasi.. hindi nya kayang sabayan yung bilis ng kamay ko sa jack en poy.." sagot ni Thyme at makikita pa din ang pagkainis nito.
Lumapit naman sa kanila ang isang manika na may yellowgreen na buhok.
"Thyme.. tara na.. maglaro na ulit tayo.." aya ng manika.
"Ayaw ko na.. inaaway nyo ko eh.." nagtatampong sabi ni Thyme.
"Hahaha! Chervil.. bakit nyo ba naman kasi inaaway si Thyme?" natatawang tanong naman ni Dr. Calf.
"Eh kasi po.. ang bilis kasi ng kamay nya.. sinabi naman namin na isabay nya lang sa bilis na kaya namin eh.." paliwanag ni Chervil.
Maya-maya ay lumapit naman ang dalawang manika na may kulay ube at dilaw na buhok.
"Thyme.. tara na.. kulang kami ng isa.." wika ng manikang may kulay ubeng buhok.
"Inaaway mo ko.. kaya.. ayaw ko nang sumali.." mataray na sagot naman ni Thyme.
Lumapit ang manikang may dilaw na buhok sa may kulay ubeng buhok.
"Mag-sorry ka kasi muna Chives.." bulong naman ng manikang may dilaw na buhok.
Napalingon naman si Chives sa manikang bumulong sa kanya.
"Bakit naman ako magsosorry? Eh diba Garlic.. ikaw ang nagsabing nandadaya sya?" nagtatakang tanong ni Chives.
"Oy.. hindi ko sinabi yun ah.." tanggi naman ni Garlic.
Natawa naman ang lalaki habang pinapakinggan ang pag-uusap ng mga manika.
"Hahaha! Alam nyo.. mas maganda umisip nalang kayo ng ibang lalaruin.." sabi ni Dr. Calf.
"Oo nga.. maglaro nalang tayo ng taguan.." sang-ayon ni Chervil.
Nag-isip muna ng matagal ni Thyme bago sya sumagot.
"Sige na nga.. tara.." tugon naman ni Thyme na biglang nagbago ang asal nito.
Nagkasundo na silang apat at tumakbo na sila papunta sa anim pa nilang kasama. Nakangiting pinanood ni Dr. Calf ang sampung manikang naglalaro at ilang sandali lang ay naglakad na sya pabalik sa bahay.
Bago makarating sa bahay ay naramdaman ng lalaki na may biglang gumapang sa likuran nya. Mabilis na kumilos ang tila gagambang robot at nagtungo ito sa batok ni Dr. Calf.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...