Sa gitna ng kaguluhan ng digmaan, makikitang halos nag-aapoy ang lahat ng kabahayan at gusali sa kapaligiran.
Tumatakbo ang isang lalaki pusan ang kanyang anak at tumatakbo din sa likod nya ang dalawang babae at ang isa ay may buhat ding bata.
Sinusubukan nilang takasan ang nagaganap na kaguluhan sa kanilang at magtungo sa isang ligtas na lugar. Mula sa eskinita sa pagitan ng dalawang gusali ay kailangan nilang tumawid sa kalsada upang puntahan ang isa pang gusali sa kanilang harapan.
Sumilip ang lalaki sa paligid upang tignan kung may panganib at lumingon ito sa dalawang babae.
"Ako muna ang mauuna.. sumunod nalang kayo.." wika ng lalaki.
"Mag-iingat ka.." tugon naman ng isang babae.
Tumango lang ang lalaki at tumawid ito ng kalsada habang pusan ang anak nyang lalaki. Nang makatawid at makapasok sya sa kabilang gusali ng ligtas ay sumenyas sya sa dalawang babae.
Patakbo na sana sila nang biglang mapaluhod ang isang babae. Napalingon naman ang babaeng may buhat na bata at nag-aalala ito sa kasama.
"Rebecca ayos ka lang ba?" tanong nito.
"Oo.. natalisod lang ako.. mauna ka na.. susunod agad ako.." sagot naman ng isang babae.
Tumango naman ang babaeng may buhat na bata at tumawid agad ito sa kalsada. Ligtas naman silang nakarating sa kabilang gusali.
"Jenny.. bakit naiwan si Rebecca?" nag-aalalang tanong ng lalaki.
"Natalisod lang daw sya Ramon.. susunod din daw agad sya.." sagot ni Jenny.
"Ano!? Dito muna kayo.. susunduin ko sya.." sabi naman ni Ramon.
Ibinaba ng lalaki ang pusan nyang batang lalaki at nagtangka na syang balikan ang babae. Bigla nalang may sumabog sa kinaroroonan ni Rebecca at nasaksihan nila ito.
"Rebecca!!" sigaw ni Ramon.
"Mama!!" sigaw naman ng batang lalaki.
Natulala at napaiyak naman si Jenny nang makita ang nangyari sa kaibigan. Tumakbo ang batang lalaki papunta sa sumabog na lugar upang puntahan ang kanyang ina.
Nagulat si Ramon nang makitang lagpasan sya ng kanyang anak.
"Marco! Huwag ka ng pupunta diyan!" sigaw nito at hinabol nito ang bata.
Habang tumatakbo ang bata ay bigla nalang may bumagsak sa harapan nya na tila nanggaling sa kalangitan. Napatilapon ang bata nang humampas ang hangin mula sa bumagsak na bagay.
"Marco!" muling sigaw ng lalaki at agad na nilapitan ang bata.
Nabalot ng makapal na usok at alikabok ang paligid at unti-unti itong nawala. Tumabad sa kanilang harapan ang bagay na bumagsak at nakita nila ang isang babaeng nakasuot ng itim na kasuotan na parang gawa sa goma.
Balot nito ang katawan ng babae mula leeg, braso hanggang sa binti nito. Mapapansin din ang matatalim na mata ng babae at kulay pulang buhok nito.
"Isang manika.." tulalang sabi ni Ramon habang nakatitig ito sa babaeng nasa harapan nya.
Biglang tumingin sa kanila ang manika at binigyan sila nito ng isang nakakatakot na ngiti. Nagsalubong naman ang kilay ng bata at tinitigan nito ang manika.
"Ikaw ang may kasalanan nito!!" sigaw ni Marco at tumakbo ito papunta sa manika.
"Marco!" sigaw naman ni Ramon ngunit hindi nya napigilan ang anak.
Bago pa makalapit ang bata sa manika ay tinapik lang sya nito at tumalsik si Marco sa malayo. Sumunod namang sinugod ni Ramon ang manika at hinampas lang din sya nito at tumilapon din sya at tumama sa pader ng isang gusali.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...