Lumipas ang ilang araw matapos ang napakasamang bangungot sa buhay ni Garlic, ay nagpatuloy na ulit ito sa paglalakbay.
Hindi na nito alam kung saan sya dapat magtungo at parang nawalan na sya ng gana na mabuhay.
Naging mailap ang manika sa tuwing makakakita sya ng tao subalit sa paglipas ng mga araw ay unti-unti nya ding nakalimutan ang mga nangyari. Mabilis nyang napuntahan ang Canada dahil sa nag-iisa nalang sya at matapos ang mahigit isang buwan ay nakarating na sya dito.
Mas madalas syang nakakakita ng mga tao nang makarating sya bansang ito at madalas pa ay magkakasamang grupo ang mga ito.
Habang naglalakad si Garlic sa isang kalye ay bigla naman syang hinarang tatlong lalaki na may hawak na baril.
"Wow.. ang sexy at ang ganda ng babaeng to.. mukhang buwenas tayo ngayon ah.." wika ng isang lalaki na mataba.
"Basta ako ang mauuna sa kanya huh.." sabi naman ng isang lalaki na balbas sarado.
Naramdaman naman ni Garlic na may tatlo pang lalaki na dumating sa likuran nya at may hawak din itong mga baril.
"Oy miss! Alam mo na siguro ang gagawin mo.. sumama ka samin.." wika ng isang lalaki na kalbo.
Hindi naman kumibo si Garlic at hindi din ito kumilos sa kinatatayuan nya.
"Aba! Magmamatigas ka ba!?" inis na sabi ng lalaking kalbo at itinutok nito ang baril sa dalaga.
"Sandali.. easy ka lang.. ako na ang bahala sa kanya.." sabi naman ng lalaki may balbas at dahan-dahan itong lumapit sa dalaga.
Nakakailang hakbang palang ang lalaki ay bigla namang may nahulog na flash granade sa harapan nya at ganun din sa likod ni Garlic na kanyang kinaalarma.
Nang sumabog ang granada ay naglabas ito ng nakakasilaw na liwanag at sandaling nabulag ang mga lalaking nakapalibot sa manika.
Kasabay naman nun ay may biglang lumapag na lalaki na tabi ni Garlic at biglang hinawakan ang kamay nito.
Nagulat naman ang manika sa nangyari at hindi nagawang makapalag.
"Tara.. dito tayo.." wika ng lalaki at hinila nito ang dalaga papunta sa isang maliit na eskinita.
Hinayaan naman ni Garlic na hilain sya ng lalaking humawak sa kamay nya at ilang beses silang lumusot sa mga kadugtong pa na eskinita.
Ilang sandali lang ay huminto at nagtago sila sa isang kanto habang ang lalaki naman ay sinisilip ang mga lalaking humarang sa manika kanina.
"Mukhang hindi naman nila tayo nasundan.." wika ng lalaki at lumingon ito sa dalaga.
"Ayos ka lang ba?" tanong nito at sinundan nya ng isang ngiti
Hindi naman nakapagsalita si Garlic nang makita nya ang itsura ng lalaki at agad syang napahanga sa mukha nito.
"Huh? May dumi ba sa mukha ko?" muling tanong ng binata nang mapansin nyang nakatitig lang ang dalaga sa kanya.
"Hah? Ah eh.. wala.. hindi mo naman ako dapat tinulungan.. kaya ko ang mga taong yun.." tarantang sagot naman ni Garlic.
"Ah.. hehehe.. syempre hindi ko naman pwedeng pabayaan ang isang babae na pagtutulungan ng mga lalaki.." paliwanag ng binata.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...