Buwan ng Marso, Taong 2051
🔹🔹🔹
Nakarating sila Thyme, Yumi at Nico sa Thailand, kung saan naging maingat sila sa kanilang pagkilos para walang makakita sa kanila.
Bagamat nasakop na ng Human Military Force ang lahat ng bansa sa Asia ay pinili pa din nilang mag-ingat para maisagawa nila ang kanilang balak na magpuntang America at mahanap ang manikang pumaslang sa ina ng dalawang bata.
Naglakbay sila mula Asia papuntang Middle East gamit ang isang military pickup truck, at habang nasa paglalakbay ay tinuruan ni Thyme ang dalawa ng mga dapat gawin kapag may nakaharap silang kalaban.
Tinuruan din ng manika na magmaneho ng sasakyan ang binatilyo na si Nico.
Naging mahaba ang kanilang paglalakbay kung saan nadaanan nila ang magagandang lugar na hindi nadamay sa digmaan at pangit na lugar na nasalanta ng digmaan.
🔹🔹🔹
Buwan ng Septyembre, Taong 2051🔹🔹🔹
Nakarating sila sa bansang Egypt kung saan natagpuan nila ang isang lalaking sugatan na nakahandusay sa buhanginan."Ate! Parang tao ang isang yun!" malakas na sabi ni Yumi sa manika habang sakay sila ng isang military pickup truck.
"Huh? Oo nga!.."
"Nico.. ihinto mo muna ang sasakyan.." tugon naman ni Thyme nang makita din ang itinuturo ng bata.
Bigla namang inapakan ni Nico ang preno at nauntog pa si Yumi na nasa bandang likuran ng sasakyan.
"Aray ko! Kuya naman! Ayusin mo naman ang pagmamaneho!" galit na sabi ng batang babae.
"Sorry.. nagulat lang kasi ako.." paliwanag naman ni Nico.
Agad namang bumaba si Yumi at nagmadaling puntahan ang lalaking nakahandusay na hindi kalayuan sa kanila.
"Teka.. antayin mo ko.." wika naman ni Thyme at sinundan nito ang bata.
"Ate! Tao nga! Bilisan mo!" malakas na sabi ni Yumi nang makalapit sya sa lalaki.
"Sandali.." tugon ni Thyme at agad nitong sinuri ang lalaki nang makalapit din sya.
"Buhay pa ba sya?" nag-aalalang tanong ni Yumi.
"Oo.. nawalan lang sya ng malay.. tara.. dalhin natin sya sa sasakyan.. doon ko sya gagamutin.." sagot ni Thyme at binuhat nito ang lalaki papunta sa pickup.
Nang maisakay sa military pickup truck ang lalaki ay naupo ang manika sa tabi nito at itinapat nya ang kanyang dalawang kamay sa katawan nito.
Unti-unting may lumabas na maliliit na liwanag sa katawan ng manika na akala mo ay alitaptap na gatuldok ang laki.
Naipon ang liwanag na ito at sa kamay ni Thyme at dahan-dahang napunta naman sa katawan ng lalaki lalo na sa mga sugat nito.
Namangha naman si Yumi sa nakikita lalo na nang masaksihan nyang naghihilom ang mga sugat ng lalaki.
"Wow.. ang galing.." nakatulalang sabi ng batang babae.
Bumaba naman ng sasakyan ang binatilyo para magpunta sa likuran ng truck at mapanood din ang ginagawa ng manika.
"Kaya mo palang gawin yan.. may magic ka ba?" manghang tanong ni Nico.
Ilang sandali lang ay bumalik na ulit ang maliliit na liwanag sa katawan ni Thyme at unti-unti itong nawala.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...