Epilogue

336 24 1
                                    

Patuloy ang paghagulgul ni Garlic habang tumatakbo ito papunta sa loob ng headquarters ng Doll Corp. Nagtungo sya sa pinakacontrol room ng gusali at sinimulang kontakin ang main base ng Human Military Force para sabihin ang nangyari. Matapos makapagadala ni Garlic ng mensahe ay inactivate ng manika ang self-destruct ng gusali saka umalis.

Nang makalayo si Garlic ay tuluyan nang sumabog headquarters ng Doll Corp. kasama ang super computer nito na kinalalagyan ng Virtual World na ginawa nito. Kasama din sa pagsabog ang mga tao na ginawang manika at tuluyang nasira ang plano ng korporasyon na pinamumunuan ni Steven.

Nagpadala ang apat na pinuno ng bansa ng mga tao sa Washington para alamin kung totoo ang mensaheng natanggap nila. Samantalang ang mga kapitan ng bawat warship ng hukbo ay pinulong ang kani-kanilang mga tauhan.

"Nakatanggap tayo ng mensahe mula sa headquarters ng Doll Corp. at sinabing tapos na ang digmaan.. dahil wala na ang taong namumuno sa kanila.." sabi ni Erich sa mga sundalong nakahanay sa loob ng LP Shirley.

"Kapitan! Wala bang balita kay Thyme at Garlic!?" tanong ni Marco na kasama sa mga nakahanay na sundalo.

Humakbang naman paabante si Lt. Masalig na nasa tabi ng kapitan para sagutin ang katanungan ng binata.

"Nagpakilala ang nagpadala ng mensahe na si Garlic.. wala naman syang ibang nabanggit maliban sa sinabi ni kapitan.." tugon ni Rica.

"Ibig sabihin.. Ayos lang sila.. nagawa nilang matalo ang Doll Corp.. kailan naman sila babalik?" muling tanong ni Marco.

"Hindi pa kami sigurado na natalo nga nila ang Doll Corp. huwag kayong mag-alala.. nagpadala na tayo ng mga sundalo para alamin kung totoo ang natanggap nating mensahe.." sagot naman ni Capt. Diadem.

"Pero siguradong natalo nila ang Doll Corp! Dahil nagpadala si Garlic ng mensahe! bakit hindi nyo agad inalam kung kailan sila babalik!!?" pilit na sabi ni Marco.

"Dahil posible ding hindi sya yun!" biglang sigaw ni Erich at natahimik naman ang binata.

"Sa ngayon naka-red alert pa din tayo.. mag-antabay lang muna tayo hanggang makatanggap kami ng ulat ng mga taong pinadala sa Washington.. dismissed!!" dugtong ng kapitan at tuluyan na nitong iniwan ang mga sundalo.

Hindi naman mapalagay si Marco at nag-aalala ito sa kalagayan ng dalawang manika.

Lumipas ang ilang araw at nagmamadali ang binata na nagpunta sa opisina ni Capt. Diadem. Nagulat ang kapitan nang biglang pumasok ang binata sa kwarto na agad na lumapit sa kanya.

"Hindi ka ba marunong kumatok!! Hindi ganyan ang tinuro ko sayo!!" inis na sabi ni Erich.

"Bakit hindi nyo sinabi sakin!!? Para naman nakatulong ako sa paghahanap sa kanila!!" galit na sabi naman ni Marco.

Hindi naman nakapagsalita agad ang kapitan sa sinabi ng binata at binuksan nalang nya ang drawer ng kanyang lamesa at inilabas ang dalawang larawan saka ipinakita Marco. Napatingin naman ang binata sa larawan at nakita nya ang sirang mga sandata ng dalawang manika.

"Tanging yan lang ang natagpuan sa Washington.. walang ibang nadatnan ang mga sundalo dun kundi buhangin.." matamlay na sabi ni Capt. Daidem.

"Anong ibig mong sabihin na buhangin!!? Hindi ba nakapagpadala pa sila ng mensahe mula sa headquarters ng Doll Corp!!?" inis na tanong ni Marco.

"Hinihinalang sumabog ang headquarters at sa lawak ng pagsabog nito ay halos naubos ang buong paligid ng Washington at naging abo ang lahat.. maaring nakapagpadala sila ng mensahe bago mangyari ito.." malungkot na sagot ni Erich.

"Pero imposibleng mawasak sila sa simpleng pagsabog na yun! Tignan mo nga! Halos buo pa ang mga sandata nila.. hindi sila pangkaraniwang manika! Hindi sila basta masisira!!" sigaw ni Marco.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon