Stage 1 : Phase 3

406 28 1
                                    

Nagtaka si Marco ng wala syang makitang boton sa batok ng manika. Tumingin din Claire sa batok ng manika at wala syang nakitang kakaiba sa parteng iyon.

"Bakit ganun? Nandito lang dapat yun?" gulat na tanong ni Marco. Habang tinititigan pa din ng dalaga ang batok ng manika.

"Ang alin? Ano bang hinahanap mo?" nagtatakang tanong ni Claire.

Tumingin ang binata sa dalaga na nanlalaki ang mga mata.

"Ang switch para mapagana ang manikang ito.. lahat ng manika mayroon nun sa batok nila.." sagot ni Marco.

Napakunot ang noo ng dalaga sa narinig at muli itong nagtanong.

"Sigurado ka ba diyan? Paano mo naman nalaman na nandiyan nakalagay ang switch ng mga manika?" tanong ni Claire.

Muling tumingin ang binata sa batok ng manika at sinalat ito.

"Oo.. nakita ko kanina na may pinindot si Mr. Gason sa batok ng manika nya.. at pinatanong ko pa mismo kay Daniel yun.." tugon ni Marco.

Tumingin ulit ang dalaga sa manika at pinagmasdan ang likod nito.

"Baka naman.. sa ibang bahagi nakalagay yun.. siguro ibang model ang manika na toh.." paliwanag naman ni Claire.

"Posible nga yan.. kaya tignan natin sa ibang parte ng katawan nya.." wika ni Marco at inihiga nito ang manika.

Tinanggal ng binata ang nakataklob na kumot sa manika at tumambad ulit sa kanila ang hubad nitong katawan. Bigla namang nahiya si Claire dahil nakikita ni Marco ang hubad na katawan ng isang babae.

"Aaahhhh!!" sigaw ng dalaga.

Nagulat naman ang binata sa reaksyon ng dalaga.

"Anong problema mo? Bakit ka sumisigaw?" inis na tanong ni Marco.

Sumimangot at nagsalubong ang kilay ng dalaga nang tumingin ito sa binata.

"Dun ka!! Huwag mo syang titignan!!" sagot ni Claire at itinulak nito ang binata.

Natumba si Marco at naitukod nya ang kamay sa sahig.

"Bakit mo naman ako tinulak!?" inis na tanong ulit ng binata.

Lalong nainis ang dalaga dahil hindi makuha ng binata ang gusto nyang sabihin.

"Gustong-gusto mo ba talagang makita ang katawan nya!?" galit na tanong ni Claire.

Nagulat naman ang binata sa narinig at napasulyap ito sa manika at muling sa dalaga.

"Hah!? Tsk! Manika lang yan.. bakit ko naman yan pag-iinteresan!?" tugon ni Marco at tumayo ito.

"Kahit na! Huwag kang tumingin! Ako na maghahanap ng switch nya.." inis na sabi ni Claire.

Tumalikod ang binata at nagtungo ito sa may lutuan katabi ng lababo.

"Bahala ka.. magluluto muna ako ng pagkain ko.. bilisan mo lang diyan.." sagot ni Marco.

Sinundan naman sya ng tingin ng dalaga at nang makasigurong hindi na ito nakatingin sa manika ay sinumulan na ni Claire ang pagsisiyasat. Natapos ng makapagluto si Marco at naghain na ito ng pagkain subalit hindi pa din nakikita ng dalaga ang hinahanap.

"Ano.. hindi mo pa din ba makita?" tanong ng binata habang nakatingin sa dalaga.

Tumigil si Claire sa pagsisiyasat sa katawan ng manika at naupo ito sa tabi.

"Nakakapagtaka.. wala akong makitang kahit anong pindutan.. ang katawan nya.. parang katawan talaga ng isang normal na tao.." wika ng dalaga.

Hinila ni Marco ang upuan na nasa ilalim ng mesa at saka sya naupo.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon