Isang mapayapa at malamig na umaga matapos ang matinding labanan na naganap sa pagitan ng manika na si Thyme at Marikit.
Nakatayo si Gen. Lopez sa tambakan ng mga luma at sirang gamit habang pinagmamasdan ang pinsalang dulot ng enerhiyang pinakawalan ni Thyme.
Habang dumadampi ang malamig na simoy ng hangin sa mukha ng Prime Minster ay may dumating na dalawang tao.
"Papa.. ano ba itong ginawa mo?" malungkot na tanong ng babae.
Napalingon si Gen. Lopez sa kanyang likuran at napangiti sya nang makita nya ang babaeng nagsalita.
"Shiela.. pasensya ka na kung hindi kita naharap kahapon.. marami lang talaga akong inaasikaso.." wika ng heneral at nakita nito ang lalaking nasa likuran ng babae.
"Romel.. ikaw pala.. nakapagdesisyon ka na ba na tumulong sakin?" tanong ni Gen. Lopez.
Hindi naman sumagot si Romel at iniwasan nyang tignan ang heneral.
"Papa.. sobra naman ata ang ginawa mo!? Kailangan ba talagang humantong sa ganito ang lahat?" inis na tanong ni Shiela.
"Alam kong hindi mo ko maiintindihan.. pero lahat ito ay para sa sangkatauhan.." sagot ni Gen. Lopez at lumapit ito sa kanyang anak.
"Para sa sangkatauhan!? May mga inosenteng taong namatay? Asan ang para sa sangkatauhan dun!?" galit na sabi ni Shiela.
"Hindi mo ko basta maiintindihan.. mabuti pa sumunod kayo.. at ipapaliwanag ko ang lahat.." tugon ni Gen. Lopez at naglakad ito papunta sa kanyang sasakyan na binabantayan ng mga manika.
Sumunod naman sila Shiela at Romel, na sumakay din sa itim na kotse, at nagtungo sila sa pinakamalapit na opisina ng Prime Minster.
***
Pumasok si Gen. Lopez sa kanyang silid at kasunod naman ang magkasintahan.
"Maupo kayo.." wika ng heneral at nagtungo ito sa isang maliit na refrigerator.
Kumuha ang yelo ang Prime Minister at isang bote ng alak saka inilapag sa lamesita na nasa gitna ng silid. Kumuha din sya ng mga baso sa isang kabinet at ibinigay sa dalawa na magkatapat na nakaupo sa sofa.
"Siguro naman.. nasabi mo na kay Romel.. ang nangyayari ngayon.." wika ni Gen. Lopez matapos nyang maglagay ng alak sa baso at magtungo malapit sa bintana.
"Oo.. nakahanda na ang Japan, Korea at China para makipagtulungan satin.. nasabi ko na din sa kanya.. na malapit nang simulan ng Doll Corp. ang binabalak nila.." sagot ni Shiela at uminom ito sa hawak nyang baso na may alak.
"Hindi ko akalain na hahantong sa ganito ang pinaplano ng Doll Corp. bakit kailangan nilang ubusin ang lahat ng tao sa mundo.." wika naman ni Romel.
"Hindi ko din alam ang tumatakbo sa utak nila.. gusto nilang palitan ng mga makina at computer ang sangkatauhan.." sabat ni Gen. Lopez.
"Ang Operation Annihilation.. may maling impormasyon kang nakuha tungkol diyan Shiela.." dugtong nito.
Nagulat naman ang dalaga sa kanyang narinig at naguluhan ito sa gustong sabihin ng kanyang ama.
"Anong ibig nyong sabihin papa? May iba pa ba silang balak maliban sa pag-ubos ng mga tao?" tanong ni Shiela nang mapalingon sya sa Prime Minister.
"Palitan ng mga manika ang mga tao.. yun naman ang layunin nila.. pero.. kinalulungkot kong sabibin.. matagal na nilang sinimulan ang operasyon na yun.." paliwanag naman ni Gen. Lopez.
Bigla namang napatayo ang dalawa sa kanilang kinauupuan dahil sa kanilang nalaman.
"Anong ibig mong sabihing matagal na nilang sinimulan!?" gulat na tanong ni Romel.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...