Stage 3 : Simulation 8

133 10 1
                                    

Matapos mawasak ang command center ng Doll Corp. sa Libya ay lumapag ang LP Shirley sa lupa para isakay ang mga templar na natira sa natapos laban.

Inilagay naman sa isang malaking sealed container box si Divine dahil naglalabas na ito ng malakas na radiation at para maiwasang maapektuhan ang mga taong sakay ng warship.

Isinakay din sa LP Shirley ang military pickup truck na sakay sila Lt. Se-Yeon, Yumi at Nico.

"Lt. Se-Yeon!! Hindi ko akalain buhay pa po kayo.." natutuwang sabi Rica nang makita nya ang tenyente.

"Hindi ko alam kung matutuwa ba ko sa sinabi mo.." nakasimangot na tugon naman ni Lt. Min Se-Yeon nang lapitan sya ng dalaga.

"Sino ba naman kasing mag-aakala na buhay ka.. matapos naming makita ang mga nawasak na templar.. kasama na din yung ginamit mo.." wika naman ni Akira na lumapit din sa dalawa.

"Hindi ko pa siguro talaga oras.. Lieutenant.." sagot ni Min at sumaludo ito sa kasamang sundalo.

"Ate!!" biglang sigaw naman ni Yumi at tumakbo ito papunta sa manikang papasok sa warship na sinundan din ni Nico.

Napatingin naman ang lahat sa paparating na manika at maririnig ang bulungan ng mga sundalo.

"Sya ang manika na yun.. kakampi ba natin sya o kaaway?" nag-aalalang tanong ni Akira.

"Huwag kayong mag-alala.. mabait sya.. sya ang tumulong sakin kaya buhay pa ko hanggang ngayon.." sagot ni Min at naglakad ito palapit sa manika.

Sumunod naman si Rica at Akira sa kasamahan nila para salubungin din ang marionette.

"Salamat sa pagtulong mo.. hindi ko alam paano kita mababayaran.." wika ni Min.

"Ah.. wala yun.. nag-aalala lang kasi ako sayo.. sa pagpupumilit mong makisali sa laban.." sagot ni Thyme at nginitian nito ang lalaki.

Namula naman ang mukha ni Min at napaiwas ito ng tingin sa manika habang napapakamot sa likod ng ulo.

"Ah eh.. hindi mo naman kailangan mag-alala sakin.." nahihiyang sabi nito.

"Oy.. Lieutenant.. bakit namumula ka diyan?" bulong naman ni Rica.

"Huh? Hindi ah.. siguro dahil mainit lang yung panahon.." tarantang tugon ni Min.

Maya-maya lang ay dumating naman ang kanilang kapitan para salubungin din ang manika.

"Maraming salamat sa pagtulong mo samin.." wika ni Capt. Diadem nang makalapit sya sa mga ito.

"Huh? Ah.. uhm.." tanging tugon ni Thyme kasabay na pagtango nito habang napapaisip kung sino ang babaeng dumating.

"Ate.. sundalo din ba ang isang yan?" tanong naman ni Yumi sa manika.

"Aaahmm.. siguro.. kasi naka-uniporme din sya.." sagot ni Thyme.

"Talaga? Pwede pa pala maging sundalo ang isang matanda?" muling tanong ni Yumi.

Bigla naman uminit ang ulo ni Erich sa kanyang narinig.

"Hoy! Bakit ba may batang paslit dito!!? Diba sinabi kong bawal magpapasok ng sibilyan sa warship!" sigaw nito sa mga sundalo.

Pinipigilan namang matawa ng mga opisyal na nakatayo malapit sa kapitan.

"At anong tinatawa-tawa nyo diyan?" galit na tanong ni Erich sa mga ito.

"Wala po kapitan!!" sabay-sabay na sagot ng tatlo at agad silang tumayo ng tuwid habang nakasaludo.

"Ah eh.. kailangan na pala naming umalis.. may pupuntahan pa kami.." wika naman ni Thyme at nagbigay galang ito sa kapitan saka naglakad papunta sa kanilang sasakyan na nakaparada sa loob ng warship.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon