Maagang nagising ang mga tauhan sa LP Shirley para ayusin ang mga nasirang bahagi nito. Mayroon lamang 8 templar na natira sa kanila matapos nilang sumabak sa kanilang misyon.
"Pitong sundalo.. mula sa animnapung sumabak sa ating unit.. at isa naman mula sa isang daang sundalo naman ni Capt. Reyes.." wika ni Erich sa sarili at pinapanood ang pag-aayos ng mga templar habang nasa mataas na bahagi sya ng repair facility nila sa loob ng warship.
"Captain.. may darating na supply para sa atin.. 2000 hours ang dating nila.." wika ng Rica nang bigla itong sumulpot sa likod ng kapitan.
"Mabuti naman.. kayo ni Lt. Sato ang mag-asikaso nyan mamaya.." tugon naman ni Erich.
"Yes Captain!" mabilis na sagot ni Rica at sumaludo ito sa kanyang kapitan.
"Oo nga pala.. maayos na ba ang lagay ni Lt. Se-Yeon?.." tanong ni Erich.
"Opo.. walang nakitang bali sa buto nya kaya magagawa naman nyang sumabak agad sa laban anumang oras.." tugon ni Rica.
"Okay sige.. ang manika na tumulong sa atin.. wala naman bang problema sa kanya? Hindi ba sya gumagawa ng gulo?" muling tanong ni Erich.
"Wala naman po akong nakikitang kahina-hinala sa kilos nya.." sagot ni Rica.
"Ah.. sige.. salamat.. makakaalis ka na.." wika ni Erich at agad na tumayo ng tuwid si Rica at muling nagbigay pugay sa kanya saka umalis.
Napaisip naman ng malalim si Capt. Daidem habang nakatitig sa mga inaayos na templar.
"Kamusta na kaya ang digmaan sa Russia?.. sana naman magawa naming manalo.." bulong nito sa sarili.
***
Samantala, nagising si Thyme sa kanyang kama at napansin nyang wala ang dalawang bata sa loob ng silid.
Nang bumangon ang manika ay muli nyang naalala ang nangyari kagabi subalit pinilit nyang huwag nang isipin pa ito.
Tumayo mula sa higaan si Thyme at naglakad palabas ng kanyang silid para hanapin ang dalawang bata.
Habang naglalakad ang manika sa pasilyo ay hindi sya inaasahan na masalubong ng kanyang kaibigan.
"Oh Thyme.. gising ka na pala.. magandang umaga.. pupunatahan na sana kita eh.." nakangiting bati ni Marco.
"Ah.. oo.. nakita mo ba sila Yumi?" tugon ni Thyme.
"Oo.. nandun na sila sa cafeteria.." sagot ng binata.
"Ganun ba.. salamat.." wika ng manika at naglakad na ito papunta sa cafeteria.
Napansin ni Marco na hindi ngumingiti ang manika kaya kinamusta nya ang pakiramdam nito.
"Ah.. Thyme.. ayos ka lang ba?" tanong nito at sinundan nya ang kaibigan.
"Huh? Oo naman.. bakit mo natanong?" sagot ni Thyme habang kasabay na naglalakad ang binata.
"Wala naman.. napansin ko lang parang matamlay ka eh.." tugon ni Marco.
Napangiti naman ang manika nang marinig ang sinabi ng binata.
"Huwag kang mag-alala.. ayos lang ako.. nakangiting sabi ni Thyme.
"Uhm.. okay.. nakakapanibago lang.. dati kasi mas nauuna ka pang ngumiti.. kapag nagkikita o nagkakasalubong tayo.." napapaisip na sabi ni Marco.
"Hihihi.. ikaw naman dati.. palagi kang nakasimangot.. parang lagi kang may kaaway.." natatawang tugon naman ni Thyme.
"Hm!!? Hindi naman ako nakasimangot palagi.. ngumingiti kaya ako.." inis na sabi ni Marco.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...