Naiwan mag-isa si Thyme sa bahay ni Marco at naglakad-lakad ito sa maliit na bahay ng binata. Isang buong kwarto kung saan nandoon na ang sala at kusina, at isang maliit pang kwarto para sa banyo sa tapat ng kusina.
Mula sa pinto ng bahay ay makikita mo agad ang isang pahabang sofa na nasa gilid sa kaliwa at nasa tapat nun ay ang kabinet na lagayan ng damit. Katapat ng pahabang sofa sa kanan ang isa pang maliit na sofa, kung saan isang tao lang ang maaring maupo.
Kapag lumingon at naglakad ka sa kanan ay makikita mo ang kusina, kung saan nakatapat ang bintana na may maliit na espasyo para paglagyan pa ng gamit. Nasa tapat nito ang lamesa ng kainan at sa tapat nun ay ang lababo katabi ang lutuan sa kanan.
Malapit sa lababo sa kaliwa ay ang pinto ng banyo ng bahay. Nagtungo si Thyme sa harap ng lalabo at may maliit na kabinet sa baba nito. Binuksan ito ng manika at nakita nya ang mga kagamitan panglinis ng bahay.
***
Natapos ang maghapong trabaho nila Marco at Claire, at gaya ng dati ay magkasabay na umuwi ang dalawa.
"Haaay! Sa wakas makakatulog na din ako ng mahimbing.." wika ni Marco nang malapit na sila sa bahay nya.
Napatingin naman sa kanya ang dalaga at nagtaka.
"Huh? Bakit hindi ka ba makatulog ng maayos nitong mga nakaraang gabi?" tanong ni Claire.
Huminto sila sa tapat ng bahay ng binata at nagtungo sa pinto.
"Oo.. dahil sa manika na yun.. nahihirapan akong makatulog.." sagot ni Marco habang binubuksan ang pinto.
"Bakit naman? Eh hindi nga sya gumagalaw ng ilang araw.." nagtatakang tanong ni Claire.
"Ahh basta.. dapat iuwi mo na sya.." inis na tugon ni Marco at pumasok sila sa loob ng bahay.
Nagulat ang dalawa sa nakita nang makapasok sila sa loob ng bahay.
"Teka! Anong nangyari dito?! Bakit!? Bakit.." gulat na tanong ni Marco.
Sumunod namang pumasok ang dalaga at namangha ito sa nakita.
"Wow! Ang linis ng bahay.. ngayon ko lang nakitang ganito toh.." wika ni Claire habang tinitignan ang buong loob ng bahay.
Halos hindi makilala ng dalawa ang bahay dahil sa linis at ayos nito. Naayos ang mga sirang bahagi ng bawat kagamitan at parang kumikinang pa ang mga gamit dahil sa linis nito na aakalain mong bagong bili.
Napansin ng dalaga na nakaupo at nakasandal ang manika sa dingding sa may tabi ng bintana habang natutulog ito.
Lumapit si Claire sa manika at pinagmasdan nya ito.
"Ang cute nya.. napagod siguro sya.. kaya nakatulog.." wika ng dalaga.
Lumapit din ang binata sa kanila at nakakunot ang noo nitong tinitigan ang manika.
"Diba manika sya? Napapagod at natutulog din ba ang manika?" nagtatakang tanong ni Marco.
"Pabayaan mo na.. kung kakaiba man sya sa lahat ng manika.. nakakatuwa pa din.. dahil para din talaga syang tao.." nakangiting sagot ni Claire at lumingon ito sa may lutuan.
Nakita ng dalaga na may nakapatong na kaserola sa kalan. Nilapitan nya ito at tinanggal ang takip, at nakita nyang may laman itong lutong pagkain.
"Nagluto din sya ng pagkain.." wika ni Claire at kinuha nito ang sandok na nakasabit malapit sa kalan.
Nagulat ang binata at lumapit ito saka binuksan ang kabinet na nasa itaas ng lababo.
"Teka! Niluto nya lahat ng binili kong delata at gulay!" inis na sabi ni Marco nang makitang walang laman ang kabinet.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...