Stage 2 : Step 5

177 14 2
                                    

Bumangon si Claire sa higaan at paglabas nya ng kwarto ay nagulat sya nang makita nya si Thyme na papalabas na ng bahay.

"Thyme? Saan ka pupunta? Ang aga mo naman atang umalis.." tanong ng dalaga.

Napalingon ang manika sa kanya nang marinig ang boses nya.

"Uy Claire! Ikaw pala kailangan ko kasing magpaalam kay Romel.. hindi muna kasi ako papasok ngayon.. may hahanapin ako.. paalam!" tugon naman ni Thyme at lumabas na ito ng bahay.

"Teka sandali! Ano namang hahanapin mo?" pahabol na sabi ni Claire subalit hindi na sya narinig ng manika.

Nagsimula nalang maghanda ang dalaga para sa pagpasok sa trabaho at pagkatapos ay dinaanan nito si Marco.

"Oh Claire.. ikaw pala.. teka nasaan si Thyme?" tanong ng binata nang pagbuksan nya ng pintuan ang dalaga.

"Ah eh.. maaga syang umalis kanina.. may hahanapin daw sya eh.." sagot naman ni Claire.

"Ganun ba? Ano naman ang hahanapin nya?" nagtatakang tanong ng binata at lumabas na ito ng bahay saka isinara ang pinto.

Lumabas muna sila ng bakuran at nagsimulang maglakad papasok sa trabaho bago sinagot ng dalaga ang binata.

"Hindi ko din alam.. hindi naman nya sinabi eh.." tugon ni Claire.

"Hayaan mo na.. pero may napapansin ka ba kay Thyme ngayon?" wika naman ni Marco nang ibahin nya ang usapan.

"Huh? Napapansin? Wala naman.. bakit?" balik na tanong ni Claire sa binata.

"Wala.. pakiramdam ko lang siguro yun.." tugon naman ni Marco.

Napangiti naman si Claire at pinaliwanag ang gustong sabihin ng binata.

"Ang bilis kasi ng panahon.. parang kailan lang nung natagpuan natin sya.. tapos nasa bahay mo lang sya palagi.. ngayon nagagawa na nyang makihalubilo sa ibang tao.. unti-unti na syang nagmamatured.." wika ng dalaga.

"Hmp! Isip bata pa din sya.. madami pa syang dapat malaman sa buhay.." sabi naman ni Marco.

"Hihihi.. para ka tuloy tatay na ayaw tanggapin na lumalaki na ang anak nya.." wika ni Claire na pinipigilan ang tawa.

"Hindi nya ko tatay no.." inis na tugon ni Marco at sandaling natahimik ang dalawa.

"Oo nga pala.. noong una.. hinahayaan mo lang si Thyme na tulungan yung matanda na si Mang Joel.. bakit ngayon parang pinipigilan mo na sya?" tanong ng binata.

Nagulat naman si Claire sa biglang tanong sa kanya at napaisip muna sya bago nya ito sinagot.

"Noong una kasi akala ko.. okay lang ang gustong gawin ni Thyme na mapasaya si Mang Joel.. inisip ko na kung ako yung taong may nalalabing oras na mundo.. gugustuhin kong maging masaya.." sagot ng dalaga.

"Tama ka naman diyan.. pero bakit nagbago ang isip mo?" tanong ulit ni Marco.

"Naisip ko kasi nun na may mga makakasama naman kasi ako.. nandiyan kayo.. pero nung naisip ko na.. paano kung nag-iisa nalang ako.. at malapit na kong mamatay.." tugon ni Claire.

"Ang lungkot nun.. sobra.. hindi ko na kakayanin pang mabuhay.. na wala kayong mga kaibigan ko.." malungkot na dugtong ng dalaga.

"Yan nga din ang naisip ko nun.. kaya nga.. sinabi ko na sa inyong pabayaan nyo nalang sya.." wika naman ni Marco at muli silang natahimik na dalawa.

Habang naglalakad si Marco sa bandang kanan ni Claire ay tinapik ng kamay ng binata ang kaliwang balikat ng dalaga ng dalawang beses.

Nagulat si Claire sa ginawa ni Marco at namula ang mukha nya nang ipatong lang binata ang kamay sa balikat nya na mistulang nakaakbay sa kanya.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon