🔸🔸🔸
Siyam na buwan ang nakararaan
🔸🔸🔸Buwan ng Enero, Taong 2051
Maaliwalas ang panahon, habang mataas ang sikat ng araw ay maririnig ang hampas ng alon sa dalampasigan. May dalawang bata naman na naghahanap ng mailulutong pagkain sa tabing dagat.
"Kuya.. wala nang alimasag dito.. paano tayo nyan makakakain ngayon?" tanong ng isang batang babae.
Si Yumi, walong taong gulang, may kulay brown na buhok na hanggang balikat, bilugan at magagandang mata, at may maamong mukha.
"Oo nga eh.. nalaman na siguro nila na paborito mo silang kainin.. ang takaw mo kasi eh.. hahaha.." natatawang sagot naman ng isang binatilyo.
Si Nico, labing apat na taong gulang, naghahalo ang kulay itim at brown na buhok nito, at bilugang mata din tulad ng nakababata nyang kapatid.
Mapapansin din na madungis at walang ayos ang mga itsura nito, at madumi na din at sira-sira ang mga suot na damit.
"Hoy hindi ah! Ikaw nga itong matakaw sa alimasag!" inis na sabi naman ni Yumi.
"Hahaha.. hindi kaya.. tingin ko maganda maghanap nalang tayo ng prutas sa kakahuyan para may makain.." tugon ni Nico.
Tumingin-tingin muna si Yumi sa paligid ng dalampasigan at nakita nito ang tila isang bangka sa isang malaking bato hindi kalayuan sa kanila.
"Kuya!! May bangka dun! Puntahan natin!" malakas na sabi nito at mabilis na tumakbo papunta sa malaking bato.
"Teka Yumi! Baka matusok ka ng matutulis na bato diyan!" awat naman ni Nico sa kapatid at hinabol nya ito.
Hindi naman nagpapigil ang batang babae at patuloy lang itong tumakbo hanggang sa makalapit sa bangka.
Sinilip ito ni Yumi at nakitang may lamang maraming tubig ang loob ng bangka.
"Aaay.. butas ata ang isang ito.. hindi din natin magagamit.." malungkot na sabi nito.
"Mabubutas talaga yan.. sumadsad sya sa mga bato eh.. saan kaya galing ang bangka na to?" napapaisip na tanong ni Nico nang malapitan din nya ang bangka.
"Alam ko na kuya.. ayusin nalang natin.. para naman makaalis na tayo dito sa isla!!" biglang sabi ng batang babae at tumakbo ito paikot sa malaking bato para maghanap ng iba pang bagay na napadpad sa pampang.
"Yumi! Huwag ka naman basta-basta lumalayo.. delikado baka may kung anong mapanganib na hayop ang masalubong mo.." nag-aalalang sabi naman ng binatilyo at sumunod din ito sa kapatid.
"Ano namang mapanganib na hayop ang meron sa tabi ng dagat?" tanong ni Yumi.
"Ah eh.. ano.. pwedeng ahas!" sagot ni Nico.
"May ahas ba sa tabi ng dagat?" tanong ulit ni Yumi.
"Ah eh.. hindi ko sigurado.. pero meron din siguro.." napapaisip na sagot naman ni Nico.
Nakarating sila sa likod ng malaking bato at nakitang may isa pang malaking bato sa tabi nito na mayroong kweba.
"Kuya.. may alimasag!" wika ng batang babae at itinuro nito ang nakitang alimasag.
Napatingin din ang binatilyo sa itinuro ng kapatid at napansin nilang papunta ito sa loob ng kweba.
"Mukhang meron silang bagong taguan.." sabi ni Nico.
"Oo nga.. tara puntahan natin! Baka madami sila dun!" natutuwang wika ni Yumi at tumakbo ito papunta sa kweba.
"Yumi!! Ay ang tigas talaga ng ulo.." inis na sabi naman ng binatilyo at sinundan ulit nito ang kapatid nya.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...