Maririnig at makikita ang mga pagsabog sa paligid headquarters ng Doll Corp. dahil sa nagaganap na labanan sa pagitan ng tatlong manika.
Habang hawak ni Steven si Garlic sa leeg ay kinakaladkad nya ito at ibinabangga sa bawat pader ng gusali na kanilang madadaanan. Mabilis namang sumaklolo si Thyme sa kaibigan at umatake sya mula sa likod ni Steven subalit napansin agad ang balak nya kaya agad na inihampas sa kanya ang kaibigan dahilan para magkasama silang tumilapon araruhin ang kalsada.
"Akala nyo ba kakayanin nyo ko? Higit na mas malakas ako ng limang beses sa inyong mga marionette.. kung nagawa nyong talunin ang mga dati nyong kasama.. ibahin nyo ko.." wika ni Steven habang naglalakad palapit sa dalawang manika.
"Kung ganun.. bakit kailangan mo pa ang fusion reactor namin?" tanong naman ni Garlic habang pinilipilit nitong bumangon.
"Ahh.. kasi ang gamit ko ngayon ang nuclear fission reactor.. alam naman natin na mas malakas ang enerhiya na binibigay ng nuclear fusion.. hindi ko lang talaga alam paano nagawa ng ama ko ang bagay na iyan sa loob ng isang manika.." sagot ni Steven.
"Mabuti pa itigil mo na ito.. lahat ng bagay may hangganan.. kahit na makuha mo ang fusion reactor.. mauubos at mauubos din ang pagkukunan mo ng enerhiya.." wika ni Thyme.
"Hahaha! Hanggang ngayon buhay pa din ang araw.. at mabubuhay pa din ito ng mahigit 5 bilyong taon.. ang hydrogen ang pangunahing elemento na ginagamit nito sa paglabas ng enerhiya.. sa tingin mo gaano ko katagal mauubos ang karagatan sa paggamit ng fusion reactor? Aabutin din ako ng bilyong taon.."
" At siguradong sa tagal nun ay makakahanap na ko ng ibang mapagkukunan ng enerhiya.. ang walang hanggang buhay ay hindi lang basta isang kathang-isip ngayon.." paliwanag ni Steven.
" Mabubuhay ka ng bilyong taon? Sandali lang.. ibig mo bang sabihin.. nagawa mong ilipat ang consciousness mo sa.." napapaisip na tanong ni Garlic.
"Hm? Oo.. nasa loob ng isang computer chips ang isip ko.. kahanga-hanga diba? Nagawa ko ng palitan ang katawang tao ko ng isang katawan na kahit kailan ay hindi masisira kahit ang utak ko.." sagot ni Steven.
"Nilagyan ng hangganan ang bawat bagay.. para malaman mo ang kahalagahan nito.. kung aalisin mo ang hangganan nito.. tinanggalan mo na din ng saysay ang mabuhay sa mundo!!" pasigaw na sabi ni Thyme.
"Sawang-sawa na ko sa walang kwenta mong opinyon!!" sigaw naman ni Steven at bigla nalang itong naglaho sa paningin ng dalawa.
Nagulat nalang ang mga ito nang sumulpot sa harapan nila ang lalaki at agad nitong sinuntok si Thyme sa sikmura. Muling tumalsik ang manika sa malayo at tumagos ito sa halos sampung gusali na dinaanan nya.
"Thyme!!" sigaw ni Garlic at napansin agad nito na pasuntok sa mukha nya si Steven.
Nailagan nya ito at mabilis nyang inihampas mula sa kanang ibaba papuntang kaliwang paitaas ang kanyang sandata sa lalaki. Agad na nakatalon si Steven para ilagan ito at lumapag sya sa likuran ng manika na mabilis nyang sinipa. Hindi ito nailagan ni Garlic at tumilapon din sya sa malayo at tumama sa mga gusali.
Pagkabagsak ng manika sa lupa ay agad na lumitaw si Steven sa tabi nya at nakataas ang mga paa. Mabilis na itinulak ni Garlic ang kanyang sarili para iwasan ang sipa ng lalaki. Nagpagulong-gulong sa kalsada ngunit nagawa naman nyang makatayo agad. Muli na namang sumulpot si Steven sa kanyang harapan at sa pagkakataong ito ay hindi na nya nagawang iwasan ang atake ng nito. Tinamaan ng sipa sa tyan ang manika at tumilapon na naman sya sa malayo at inararo ang mga gusali.
Samantalang si Thyme ay nagawang makuha ang kanyang sandata na karit at agad na sinaklolohan ang kaibigan. Sumulpot ang manika sa likuran ni Steven at inihataw pababa ang karit. Humakbang naman ang lalaki pakaliwa para iwasan ito kasabay nun ay pasipa syang humarap sa manika. Hindi ito nagawang iwasan ni Thyme dahilan para tumalsik sya sa malayo at tumagos na mga gusaling tinamaan nya.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...