Nagulat ang lahat ng manika nang makitang sumulpot si Thyme sa kanilang tabi kasabay ng paghiwalay ng ulo ni Basil sa katawan nito."Anong?.. ano ang liwanag na yan?" tanong ni Chervil nang makita ang tila apoy na lumalabas sa likod ni Thyme na animoy pakpak ng isang paru-paro.
"Nakakatawa.. na hindi mo alam kung ano ang liwanag na lumalabas sa likod nya.. mukhang tama sya.. hindi kayo ang mga manikang kaibigan namin.." wika naman ni Garlic habang nakadapa sa lupa at pinipigilang gumalaw ng apat na manika na nasa ibabaw nya.
Hindi naman makakibo si Chervil na napalingon kay Garlic.
"Ang lumalabas sa likod ni Thyme ay ang nag-ooverflow na atomic particle ng kanyang fusion reactor.. gumagalaw ito nang halos kasing bilis ng liwanag.. kaya nag eemit ang mga ito ng photon.." paliwanag ni Garlic.
"Huh? Yun lang pala yun.." tanging nasabi ni Chervil.
"Para ipaalam ko sayo.. hindi yan basta magagawa ng isang marionette.. at kung magawa man.. isa lang ang ibig sabihin nun.. magkakaroon sya ng pambihirang lakas at bilis.." dugtong ni Garlic.
"Ano!!?" gulat na tugon ni Chervil.
Unti-unti namang naglakad si Thyme papunta kay Parsley na nakatayo malapit sa kanya at kasabay nun ay inapakan nya at nadurog ang ulo ni Basil na nasa lupa.
"Pero delikado ang nangyayari kay Thyme.. dahil sa pag-ooverflow ng atomic particle ng fusion reactor nya.. ano mang oras ay maaring maubos ito.. at tuluyang mawalan sya ng enerhiya.. kahit ang back-up power nya made-deplete.. kapag nangyari yun.. mamamatay sya.." sabi naman ni Garlic sa isip nya habang pinagmamasdan ang kaibigan.
Pinilit namang alisin ni Parsley ang takot na nararamdaman nya at bigla nyang nilusob si Thyme.
Itinaas nya ang kanyang espada at hindi pa sya nakakadikit sa marionette ay bigla nalang naputol ang kanyang mga braso kasunod nun ay nahati ang kanyang katawan.
Muling nagulat ang lahat sa bilis ng pangyayari at hindi man lang nila nakitang inihampas ni Thyme ang kanyang karit.
"Anong nangyayari? isa ba tong hallucination?" nanginginig na tanong ni Chervil sa sarili.
Hindi pa man bumabagsak sa lupa ang kalahating katawan ni Parsley ay nagkapira-piraso na ang ulo nito. Napalingon naman si Thyme kay Catnip na nakatayo malapit kay Parsley. Nakaramdam ng takot ang manika at unti-unti itong napahakbang paatras.
Hindi din makakilos ang iba habang naguguluhan sa pangyayari.
"Pasensya na.. pero kailangan ko kayong wasakin.." wika ni Thyme at biglang kumilos ang mga manika at sabay-sabay silang lumusob sa kanya.
Inihampas ni Savory ang kanyang Naginata at si Mint ang kanyang Spear sa marionette. Madali naman itong nasalag ni Thyme gamit ang kanyang karit at sumulpot si Catnip sa kaliwa nya para ihamapas ang malaking bakal na bola na nakadugtong sa kadena. Si Fennel naman ay sumulpot sa kanan ng marionette para ihampas naman ang kanyang double edge axe.
Bigla namang hinati ni Thyme ang hawakan ng kanyang karit at lumabas ang kadena na nagdudugtong dito at itinulak nito ang sandata ng dalawang manika na nasa harapan nya, kasundon nun ay sinalag naman nya ang armas ng dalawang manika na nasa kaliwa't kanan nya.
Mula naman sa likuran ni Thyme ay tumalon ng mataas si Chives at pabagsak na inihataw ang dalawang sickle (karit na pantabas ng damo) sa kanya. Itinulak naman ng sandata ni Thyme ang armas ng dalawang manika na salagsalag nya at hinawakan ang kadena ng kanyang sandata saka sinimulang iwasiwas.
Humaba ang kadena ng karit ng marionette at napadistansya naman ang ibang manika para iwasan ito. Habang nasa ere si Chives ay agad nyang isinalag ang kanyang sandata sa karit na paparating sa kanya.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...