Stage 2 : Step 10

133 9 1
                                    


Buwan ng Disyembre, malamig ang simoy ng hangin kahit sa tanghaling tapat.

Malaki ang pinagbago ng panahon sa buong mundo dahil sa nakaraang digmaan, nagiging sobrang init sa tag-araw at sobrang lakas naman ng mga dumarating na bagyo sa panahon ng tag-ulan.

Nagiging sobrang lamig naman sa mga buwan ng Disyembre hanggang Pebrero.

***

Napansin ni Daniel na nakatulala lang ang kanyang kaibigan at malalim ang iniisip nito, na hindi na nagagawang makapagtrabaho.

"Hoy! Marco.. anong iniisip mo diyan?" tanong ng lalaki.

Bigla namang natauhan ang binata nang marinig ang boses ng kaibigan.

"Huh? Ah eh wala.." tugon ni Marco at nagpatuloy na ito sa kanyang ginagawa.

"Tatlong araw ka ng ganyan.. may nangyari bang hindi maganda?" tanong ulit ni Daniel.

"Wala.. nakakatamad lang kasi kumilos ngayon.. malamig ang panahon eh.." sagot naman ni Marco.

"Talaga lang huh.. napansin ko din.. hindi ka na pinupuntahan dito nung kaibigan mong babae.. Claire nga ba ang pangalan nun?.." wika ni Daniel.

"Alam mo.. pakialaman mo nalang ang buhay mo.. huwag ang ibang tao.." inis na sabi ni Marco.

"Wow.. nagsimula na naman syang magsungit.. bahala ka nga diyan.." tugon naman ni Daniel at nagpatuloy na din ito sa pagtatrabaho.

Napansin din ni Mr. Gason ang kakaibang kilos ng binata, pati na din ang hindi pagbisita ni Claire sa pabrika.

Habang mag-isang kumakain si Marco ng tanghalian sa likod ng pabrika ay nilapitan sya ng matanda para kausapin.

"May problema ba kayo ni Claire?" tanong ni Mr. Gason at naupo ito sa tabi ng binata.

"Hm? Wala kaming problema.." tugon naman ni Marco.

"Alam mo.. hindi kayo makapaglilihim sakin.. hindi ko man kayo nasubaybayan ng lubusan noong bata kayo.. kahit papano ilang taon ko din nakita ang pagsasamahan nyong dalawa.." sabi ng matanda.

Hindi naman kumibo si Marco at nagpatuloy lamang ito sa pagkain.

"Naalala ko noong nakausap ko nun si Noel sa video call.. naikwento nya na gustong-gusto ka ni Claire.. hahaha.. mga bata pa kayo noon at walang muwang sa bagay na iyon.. kaya naman tinawanan ko lang yun.." kwento ni Mr. Gason.

Tahimik naman ang binata na kumakain at napipilitan nalang makinig sa matanda.

"Pero.. simula nang muli kayong maging magkaibigan ni Claire.. nararamdaman ko at alam kong.. gusto ka talaga nya.." wika ng matanda.

"Bakit ba sinasabi nyo sakin ang bagay na yan?.." inis na sabi naman ni Marco.

"Huh? Hahaha! Syempre! Dahil alam ko kung anong problema nyong dalawa.. hahaha!" natatawang sagot ni Mr. Gason.

Nagsalubong naman ang kilay ng binata nang makita ang reaksyon ng matanda.

"Malaki ang kasalanan ko sa inyo.. alam kong hindi ka maniniwala.. pero tinuring ko kayong parang tunay na anak.. kaya naman nahihirapan din akong makitang may tampuhan kayong dalawa ni Claire.." dugtong ng matanda.

"Hmp! Wala kaming tampuhan.. masyado ka lang nag-iisip ng kung ano-ano.." inis na sabi naman ni Marco.

"Ganun ba?.. mabuti naman.. pero Marco.. gusto ko sanang.. alagaan mong mabuti si Claire.. kapag nawala ako sa mundong ito.. wala na syang ibang masasandalan at mapagkakatiwalaan kundi ikaw.." paalala ni Mr. Gason.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon