Nakatulala ang dalawa ng makita nila ang lalaking lumapit sa kanila habang pauwi sila ng kani-kanilang bahay.
"Papa?" gulat na sabi ni Claire.
Agad namang humarang si Marco para protektahan ang dalagita.
"Claire.. patawarin mo ko sa mga nagawa ko.. alam kong malaki ang kasalanan ko sayo.. pero hayaan mo naman akong makabawi sayo.." malungkot na sabi ni Mr. Gomez na dahang-dahang lumalapit sa dalagita.
"Pwede ba? Huwag mo nga kaming daanin sa pagpapaawa.. hindi ka dapat patawarin sa ginawa mo.." wika naman ni Marco na nanggagalaiti sa lalaki.
Nainis ang lalaki sa binatang nagsalita ngunit pinilit nyang maging mahinahon.
"Alam kong sobra ang nagawa ko sayo.. pero pinagsisisihan ko na ang lahat.. naisip kong wala na kong ibang pamilya sa mundong ito.. at ganun ka din.. kaya naman.. hayaan mong kahit sa maiksing panahon.. ay maiparamdam ko sayo ang pagmamahal ng isang ama.." pagmamakaawa ni Mr. Gonzales.
Biglang naantig ang puso ni Claire dahil na din sa hindi nya naranasan na magkaroon ng isang mapagmahal na ama.
Hinawakan ng dalagita ang binata sa balikat para bigyan daan sya nito. Napalingon naman ang binata sa dalagita at nginitian sya nito.
"Claire? Isipin mo ang mga dinanas mo sa taong iyan.." inis na sabi ni Marco.
"Sa tingin ko.. hindi mo dapat pinipigilan ang makaantig damdaming pagkakataong ito.. na humingi ng tawad ang ama sa kanyang anak.. at magpatawad naman ang anak.." wika ng isang lalaki na lumapit din sa kanila.
Napatingin ang binata sa taong dumating at nagulat sya ng makita ito.
"Ikaw?" tulalang sabi ni Marco.
Hindi nila inaasahan na makita ang naging bayaning sundalo ng Pilipinas noong nakaraang digmaan at kasalukuyang Prime Minister ng bansa, si Gen. Earlwin Lopez.
Lumingon naman ang Prime Minister sa dalawang tao na nasa likuran nya.
"Sa tingin ko naman.. magkakaayos na silang mag-ama.. kaya pwede na siguro natin silang hayaan na magsama bilang isang pamilya.." wika ni Gen. Lopez.
Napahawak naman ang isang babae sa kanyang suot na salamin sa mata.
"Hindi pa po natin masisiguro yan.. depende po yan sa isasagot ng biktima.." tugon nito.
"Tama ka diyan.." sang-ayon naman ng matandang lalaki na kasama nito.
Tinignan nilang lahat si Claire para malaman ang desisyon nito.
"Claire.. tandaan mo.. sobrang pasakit ang ginawa nya sayo.." bulong ni Marco sa dalagita.
Lumuhod naman si Mr. Gonzales sa harapan ng dalagita at nagmakaawa.
"Claire patawarin mo na ko.. nagsisisi na talaga ako.. ang totoo nyan.. naisip ko lahat ng ginawa ko.. at nasaktan din ako.. hindi ko talaga alam bakit ko nagawa yun.." wika nito.
Mapapansin ang galit sa mukha ni Marco dahil sa tingin nya ay nagpapanggap lang si Mr. Gonzales.
Nalungkot naman ang mukha ng dalagita at nag-isip ito sandali.
"Papa.. nangangako ka bang.. ituturing mo na ako bilang isang tunay na anak?" malungkot na tanong ni Claire.
Nagulat naman ang binata sa narinig at muling sinabihan ang dalagita.
"Claire.. huwag mong sabihin na maniniwala ka sa kanya?" naiinis na bulong ni Marco.
Napatingin ang dalagita sa kanya at binigyan sya nito ng isang ngiti.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...