Stage 1 : Phase 6

359 22 1
                                    

Maririnig ang malalakas na pagsabog sa paligid habang tumatakbo ang isang babae buhat ang isang bata at hawak ang kamay ng isa pang batang babae. Tila tinatakasan nila ang digmaang nagaganap ng mga oras na iyon. Nagtungo sila sa isang sirang gusali at nagtago sa loob nito.

Nagpunta ang babae sa tabi ng isang bintana at nasilip nya ang isang bakod.

"Mama.. natatakot ako.." wika ng batang babae na tila walong taong gulang.

Ipinatong naman ng babae ang kanyang kamay sa ulo ng bata.

"Huwag kang mag-alala anak.. nakikita mo ba ang bakod na yun? Kailangan lang nating makatawid dun.. tapos may tutulong na satin.." sagot ng babae.

Patingin-tingin naman ang batang babae, na nasa apat na taong gulang, na buhat ng babae. May nakita itong isang stuff toy sa hindi kalayuan sa kanila at bigla itong kumalas sa pagkakakapit ng ina. Nagulat ang babae ng mabitawan nya ang bata at tumakbo ito.

"Carol!" sigaw ng babae at hinabol nya ang bata.

"Mama!" sigaw naman ng isa nitong anak na sumunod din sa kanila.

Pagkadampot ng bata sa stuff toy na nakita nya ay biglang may gumuho sa loob ng gusali. Bumagsak ang mga tipak na bahagi ng gusali mula sa itaas.

Naitulak ng babae ang batang may hawak na stuff toy at sya ang nabagsakan ng gumuhong bahagi ng gusali. Nabalot ng makapal na usok ng alikabok ang paligid.

Dahan-dahang bumangon ang batang babae at binatawan nito ang stuff toy.

"Mama.." natatakot na sabi ng bata.

Walang nakitang ibang tao sa paligid ang bata at tanging mga labi lang ng gumuhong gusali ang nakikita nya. Nagsimulang umiyak ang batang babae.

"Mama!!" malakas na sabi ni Carol at napabangon ito sa kama.

Napatingin sya sa paligid at napansin nyang nasa loob sya ng kanyang madilim na kwarto.

***

Nagising si Marco sa sofa at nang bumangon at tumayo sya ay nakita nya ang manika na natutulog at nakasandal sa dingding sa tabi ng bintana. Nagsalubong ang kilay ng binata na parang naiinis ang itsura nito.

Kinuha ni Marco ang kanyang twalya at damit sa kabinet saka nagtungo ng banyo. Ilang sandali lang ay may kumatok sa pinto ng bahay ng binata.

"Marco? Gising ka na ba?" wika ng isang babae.

Nagising ang manika at matapos mag-inat ay narinig nito na may kumakatok sa bahay. Tumayo si Thyme at naglakad patungo sa pinto para buksan ito.

"Magandang umaga.." bati ni Claire nang pagbuksan sya ng manika.

"Magandang umaga din.." tugon naman ni Thyme habang kinakamot pa ng daliri ang isang mata nya.

"Si Marco?" tanong Claire at tumuloy na ito sa loob ng bahay.

Lumingon-lingon naman sa loob ng bahay ang manika ngunit wala syang nakitang ibang tao.

"Hindi ko alam.. paggising ko.. wala na sya.." nagtatakang sagot naman ni Thyme.

Narinig ng dalaga na may nakabukas na gripo sa loob ng banyo.

"Ah.. naliligo siguro sya.." sabi ni Claire at nagtungo ito sa harap ng sofa para maupo.

Sinundan naman sya ng manika at naupo ito sa tabi nya.

"Claire may itatanong sana ako.." wika ni Thyme habang nakatingin sa dalaga.

Lumingon naman si Claire sa kanya at nginitian sya.

"Sige lang.. ano yun?" tugon ng dalaga.

"Ano ba ang emosyon?" tanong ng manika.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon