🔸🔸🔸
Mahigit dalawampung taon
ang nakakalipas
🔸🔸🔸Nagkagulo ang lahat ng tao sa loob ng headquarters ng Doll Corp.
"Anong nangyayari dito?" tanong ng lalaking nakasuot ng amerikana na pumasok sa loob ng security control room.
"Sir Steven.. nakatakas po ang natitirang marionette.." sagot naman ng isa pang lalaki.
"Ano!!? nakatakas si Garlic!!? Hindi ba't sinabi kong iover ride nyo na sya ulit!!?" galit na tugon ni Steven.
"Sinubukan nga daw po ng research team na gawin yan.. pero hindi daw gumana ang bagong program na ginawa nila.." sagot ng lalaki.
"Tsk! Mabuti pa! Hanapin nyo na sya!" utos ni Steven at naglakad na ito palabas ng silid.
***
Samantala, pagewang-gewang na naglalakad si Garlic sa isang syudad na malayo sa kinaroroonan ng headquarters ng Doll Corp.
Sinusubukan pa ding kontrolin sya ng program na inilagay sa kanya subalit nilalabanan ito ng kanyang MC (Marionette Control) System.
Tuluyang nawalan ng malay si Garlic nang mapunta sya sa isang maliit na eskenita.
Umaga na nang magising manika at namalayan nalang nito na nakahiga sya sa gilid ng eskenita.
"Nasan ako?" tanong nito sa sarili at sinubukan nitong bumangin.
Napansin nalang ni Garlic na may natutulog na isang batang babae, na parang nasa edad na anim na taong gulang, sa kanyang mga hita.
"Huh? Sino toh?" muling tanong nang manika at bigla namang nagising ang bata.
Ikinakamot pa ng bata ang kanyang kamay sa isang mata nang bumangon ito at nakatingin sa babae.
"Gising ka na pala ate.." wika ng bata at humikab ito.
"Sino ka? Saka nasan ako?" tanong ni Garlic.
"Ako si Ruby.. hmmmm.. ang alam ko lang New York City ang lugar na toh.. hindi ko alam kung anong tawag sa eksaktong kinaroroonan natin.." sagot ng bata.
"Aahh.. ganun ba?.." tugon ng babae.
"Ikaw ate.. anong pangalan mo?" tanong ni Ruby.
"Ako si Garlic.." sagot ng babae.
"Garlic? Nakakagutom naman ang pangalan mo.. parang Garlic bread.. namatay din ba ang magulang mo?" wika ng bata.
"Namatay ang magulang?" nagtatakang sabi ni Garlic.
"Uhm.. kasi namatay ang mama at papa ko.. sa gusaling pinagtaguan namin nun.." matamlay na sagot ni Ruby.
Naalala naman ng manika ang nangyari sa kanyang mga kaibigang marionette.
Napansin naman ng bata na natahimik ang babaeng katabi nya kaya sinubukan nya ulit kausapin ito.
"Ate Garlic.. pwede ba kong sumama sayo.. hindi ko kasi alam.. kung saan ako dapat pumunta.." tanong ni Ruby.
Hindi naman agad nakasagot si Garlic at sandali munang napaisip ito sa sinabi ng bata.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...