Nanonood ng telebisyon si Claire habang nakaupo ito sa sofa sa sala, nang pumasok si Thyme sa loob ng bahay.
Napansin ng dalaga na malungkot ang mukha ng manika at basa din ang suot nitong damit.
"Thyme.. anong nangyari?" nag-aalalang tanong ni Claire at tumayo ito para lumapit sa manika.
Hindi naman sumagot ang manika at nakayuko lang ang ulo nito habang nakasimangot.
"Teka.. amoy alak ka.. alak ba yang natapon sa damit mo?" tanong nang dalaga.
Tumingin naman ang manika sa dalaga at saka ito nagsalita.
"Claire.. bakit ganun? Sinabi ko lang naman sa kanya yung dapat nyang gawin.. bakit nagalit pa sya? bakit hindi nya inintindi ang sinabi ko?" malungkot na tanong ni Thyme.
Napabugtong hininga muna ang dalaga bago nito sinagot ang manika.
"Alam mo Thyme.. mahihirapan ka talagang ipaunawa sa kanya yun.. kung sasabihin mo lang sa kanya.." paliwanag ni Claire.
"Bakit? Ano naman ang dapat kong gawin para maintindihan nya?" muling tanong ni Thyme.
Hindi naman agad nakasagot ang dalaga at nahirapan itong magpaliwanag sa manika.
"Ganito kasi yan.. lahat tayo may mapapait na dinanas sa buhay.. at madalas yung bagay na yun.. hinaharangan ang puso at isip natin.. at nakakalimutan natin ang masasayang bagay na nangyari sa buhay natin.." tugon ni Claire.
"Harang? Bakit may harang? Paano ko naman.. maaalis ang harang na yun?" nagtatakang sabi naman ni Thyme.
"Hmmmm.. siguro kailangan mo lang ipaalala sa kanya ang masasayang bagay na nangyari sa buhay nya.." sagot ni Claire sa manika.
Napaisip naman ang manika sandali bago ito nagsalita.
"Itatanong ko nalang kay James kung ano yung masasayang alaala nya.. saka ko sasabihin kay Mang Joel.." wika ni Thyme.
Napangiti naman ang dalaga at umiling sa sinabi ng manika.
"Hindi nya din maiintindihan kung sasabihin mo lang sa kanya ang nakaraan.. baka lalo lang syang magalit.." paliwanag ni Claire.
"Eh paano ko ipapaalala sa kanya yung masasayang pangyayari sa buhay nya?" naguguluhang tanong ng manika.
"Ikaw ang bahalang tumuklas nyan sa sarili mo.." nakangiting sagot nalang ni Claire dahil kahit sya ay hindi alam kung ano ang gagawin.
Hindi pa din maunawaan ng manika ang dapat nyang gawin at patuloy itong napapaisip.
"Tara na.. maghilamos ka na at magpalit ng damit.. kailangan na nating matulog.." dugtong ng dalaga at hinila ang manika papunta sa banyo.
Sinunod naman ni Thyme ang huling sinabi ng dalaga at nagpahinga na muna sila nang gabing iyon. Hindi naman nakatulog ng maayos si Thyme kakaisip sa mga sinabi ng dalaga sa kanya.
***
Kinabukasan ay nagulat nalang si Claire nang lumabas sya ng kwarto at makita ang manika na nasa kusina."Thyme.. ang aga mo ata nagising.. anong ginagawa mo?" tanong ng dalaga at lumapit ito sa manika.
Napalingon naman si Thyme nang marinig nya ang boses ng dalaga.
"Claire.. gising ka na pala.. nagluluto ako.." sagot ng manika.
"Talaga? Bakit ka naman nagluluto? Anong meron?" muling tanong ni Claire habang sinisilip ang niluluto ng manika.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...