Naglalakad si Thyme sa syudad na tulala at parang wala sa sarili, at hindi din nito alam kung saan sya pupunta.
Napadaan sya sa lugar kung saan maraming nakatayong tolda, na pansamantalang tirahan ng mga taong nadamay noon sa paglalaban nila ng cyborg na si Alexis.
Bigla namang may bumato sa manika ng bato at tinamaan ito sa mukha. Napahinto si Thyme sa paglalakad at tinignan ang nambato na nasa kanya lang harapan.
Isang binatilyo na may hawak pang isang bato at umiiyak.
"Mark! Anong ginagawa mo? Bakit ka nambabato nalang.." nag-aalalang tanong naman ng isang matandang babae na lumapit sa binatilyo.
"Sya yun.. nawasak ang tinitirahan natin dahil sa kanya.. at dahil sa kanya patay na si Annie!!" malakas na sabi ng binatilyo habang umiiyak.
"Huh? Tao ang isang yan? Paano naman nya mawawasak ang mga gusali sa paligid natin.." tugon naman ng matandang babae.
Lumapit na din ang ibang tao sa paligid para makiusisa sa nangyayari.
"Hindi sya tao! Tignan nyo ang kamay nya!" sigaw ni Mark.
Napatingin naman ang mga tao sa kanang kamay ng manika na walang suot na gwantes.
"Oo nga.. isa syang manika.." gulat na sabi ng matandang babae at kumuha din ito ng bagay na maibabato kay Thyme.
"Umalis ka dito! Salot ka!" sigaw nito.
Hindi naman nasaktan ang manika ng tamaan sya ng kahoy at nakatulala lang itong nakatitig sa kanila.
Nagsimula na ding mag-ingay ang iba pang mga tao at pinagbabato si Thyme.
"Umalis ka dito! Halimaw!!"
"Dahil sayo nawala ang anak ko!!"
"Basura ka! Lumayas ka!!"
"Wala kang puso!! Ayaw ka namin dito!!" sigaw ng mga tao habang binabato ang manika.
Nang mapansing nakatayo lang si Thyme at balewala ang pambabato nila ay kumuha ang binatilyo ng isang makapal na tubo. Tumakbo si Mark papunta sa manika at hinampas nya ito ng tubo sa ulo.
Natumba naman ang manika sa lupa at hindi ito kumilos at nanatiling nakatulala.
"Dahil sayo! Namatay si Annie!!" sigaw ng binatilyo at napaluhod ito habang umiiyak.
"Si Annie.. nangako kami.. na hindi kami magkakahiwalay.. nangako ako na pakakasalan ko sya.. pero hindi na matutupad yun dahil sayo!!" umiiyak na sabi ni Mark.
Bigla namang natauhan si Thyme sa narinig at nagsimula ulit na umiiyak.
Nagtaka naman ang mga tao nang makita nilang lumuluha ang manika subalit hindi na nila ito masyadong inalala at pinagbabato nalang ulit nila ito at pinaghahampas kasabay ng mga mura at masasakit na salita.
Lumipas ang ilang minuto at nagsawa ang mga tao sa ginawa nila sa manika at iniwan nalang nila ito.
Bumangon naman si Thyme na patuloy na umiiyak at muli syang nilapitan ng binatilyo na may hawak na tubo.
Hinampas ulit ni Mark ang manika ng tubo at muli itong natumba.
"Bakit ka umiiyak?.." gigil na tanong ng binatilyo.
"Wala kang karapatang umiyak dahil isa ka lang manika!!" sigaw nito at patuloy na pinaghahampas ang manika.
"Dahil sayo! Nawala ang taong pinakamamahal ko! Dahil sayo! Nawala si Annie!" patuloy na sigaw ni Mark.
Parang nawala ulit sa sarili si Thyme dahil sa kanyang mga narinig at bigla nalang itong may ibinulong.
Napahinto naman ang binatilyo nang marinig nito ang manika.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...