🔸🔸🔸 Sa kasalukuyan 🔸🔸🔸
Tulala ang lahat nang malaman nila na isa din sa maalamat na marionette ang babaeng sumulpot sa harapan nila.
"Huwag muna kayong kikilos.. kung isa nga syang marionette tulad ni Thyme.. siguradong hindi natin sya kakayanin.." utos ni Lt. Sato sa mga sundalo habang pinagpapawisan ito ng malamig.
Sumang-ayon naman ang mga sundalo sa sinabi ng tenyente at tahimik silang pinakikiramdaman ang mga kalabang manika.
"Garlic.. buhay ka?.." nanginginig na sabi ni Thyme sa manikang may kulay dilaw na buhok.
"Oo.. at nandito ako.. para ubusin ang mga tao.." wika naman ni Garlic.
Nagulat at nabahala ang lahat sa sinabi nito at naging alerto ang mga sundalo na sakay ng mga templar.
"Ano bang sinasabi mo? Hindi ba dapat.. tayong.." naguguluhang sabi ni Thyme.
"Dapat na ano? Protektahan ang mga tao? Mukhang hindi mo pa din talaga nauunawaan.. mga marionette tayo.. hindi tayo basta manika lang na susunod sa gusto nila.." wika ni Garlic.
"Hindi naman natin kailangang sumunod sa gusto nila.. pero tayo ang may kakayahang protektahan sila.. at hindi ang patayin sila.." paliwanag ni Thyme.
"Protektahan saan!!? Hindi ba sila lang din naman ang pumapatay sa isa't-isa!? Saan natin sila ipagtatanggol? Sa kapwa tao din nila?" sigaw ni Garlic.
"Pero sa ngayon ang kalaban nila ay ang mga manika ng Doll Corp!" pasigaw na tugon ni Thyme.
"Mga manika na gawa din ng tao!!" muling sigaw ni Garlic at bigla namang natahimik si Thyme.
"Sino ba ang Doll Corp? Hindi ba mga tao din ang mga namumuno sa korporasyon na yun? Bakit kailangang gumawa sila ng manika na uubos mismo sa tao?" mga tanong ng manika na may kulay dilaw na buhok.
Hindi naman nagawang sagutin ni Thyme ang mga tanong ng kanyang kaibigan at nagsimulang magulo ang takbo ng isip nya.
"Mga makasarili.. walang pakialam kung masira ang daigdig na toh.. ang mahalaga sa kanila ay ang kapangyarihan.." wika ni Garlic.
"Pero! Ginawa tayo para protektahan ang nangangailangan ng tulong!" paliwanag ni Thyme.
"Sa tingin mo ba gusto ko maging manika!!" galit na sigaw naman ni Garlic.
Muling natahimik si Thyme sa kanyang narinig at hindi nito malaman ang isasagot sa kaibigan.
"Protektahan ang nangangailangan ng tulong? Ahh.. tama.. ginawa ko na.. kaya naman iniligtas ko ang mga taong ito.." dugtong ni Garlic saka sya lumingon sa mga manikang nasa likuran nya.
Kinabahan ang lahat sa sinabi at ikinilos ng marionette na may kulay dilaw na buhok.
"Iniligtas ang mga tao? Hindi kaya?.." tanong ni Rica sa sarili habang nakatitig sa mga kalabang manika.
"Anong ibig mong sabihin?.." tanong naman ni Thyme sa kaibigan.
"Huh? Hindi mo ba naintindihan?" balik na tanong ni Garlic nang lingunin nya ulit ang marionette.
"Binalak ng Doll Corp. na palitan ng mga manikang gawa nila ang mga tao.. kaya inutos nilang ipapatay lahat ng tao.. pero ang hindi nila alam nagawa kong malaman ang isa sa sikreto ng brain transplant.. at iniligtas ko ang mga taong ito sa kanilang kamatayan.." paliwanag ni Garlic.
"Brain transplant? Ibig sabihin ang mga manika na yan.." nanginginig na sabi ni Thyme.
"Oo.. katulad natin sila.. na produkto ng project marionette.. hindi nga lang kasing perpekto ng katawan natin ang katawang gamit nila.." sagot ni Garlic.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...