Abala si Marco sa pagtatrabaho sa loob ng pabrika at nakaupo naman malapit sa kanya si Claire habang nag-uusap sila.
"Kamusta na pala si Thyme? Okay na ba sya?" tanong ng binata sa dalaga.
"Hindi eh.. malungkot pa din sya.. pero nagawa naman nyang magpunta kay Romel para magtrabaho.." matamlay na sagot naman ni Claire.
"Ganun ba?.. mabuti naman yun kaysa nasa bahay lang sya at nagmumukmok.. bakit ka pala nandito?" muling tanong ni Marco.
"Alam mo namang nadamay ang food cafe ni Mrs. Gomez sa nangyari kahapon.. kaya wala akong trabaho ngayon.." tugon naman ni Claire sa binata.
"Aahh.. oo nga pala.. maaga kaming uuwi ngayon.. dahil namatay yung isa sa mga kliyente ni Tandang Gason.. napurnada yung isa sa mga project.." sabi ni Marco.
Tumayo naman si Claire sa kinauupuan nya at naglakad palayo sa binata.
"Oh? Saan ka pupunta?" tanong ni Marco nang makitang papaalis ang dalaga.
"Ahh.. pupuntahan ko muna si Mr. Gason.. tapos puntahan nalang si Thyme mamaya.." tugon naman ni Claire.
Tumango naman ang binata sa sinabi ng dalaga at nagpatuloy na ito sa pagtatrabaho.
***
Samantala, malungkot na nagtatrabaho si Thyme habang tahimik na pinagmamasdan sya ni Romel.Naalala naman ng binata ang nangyari kahapon matapos matalo ng manika ang cyborg na si Alexis.
🔹🔹🔹
Nakaluhod si Thyme at nakatukod ang mga kamay nya sa lupa habang nakayuko.
Nasa harapan naman nya ang mga putol na bahagi ng katawan ni Alexis at nakalapag sa tabi nya ang kanyang sandatang karit.
Nagsimulang bumuhos ang ulan kasabay ng pagpatak ng luha ng manika sa lupa. Lumapit naman si Romel sa kanya at naupo ito sa tabi nya.
"Thyme.. anong problema? Bakit ka umiiyak? Natalo mo naman sya diba?.."
"Isa syang tao.. pero kailangan ko syang patayin.. dahil kung hindi ko gagawin yun.. madami pa syang pwedeng saktan at paslangin.."
Napalingon ang binata sa bangkay ng kalaban ng manika at naunawaan nya na isang cyborg ang nakaharap nito.
"Alam kong hindi mo gustong kitilin ang buhay ng sino man.. pero sa pagkakataong ito.. tama lang ang ginawa mo.."
"Kung tama ang ginawa ko.. bakit ganito ang nararamdaman ko?.. bakit pakiramdam ko mali ako?.. ano ba talaga ang tama at mali?.."
Hindi na nakasagot pa ang binata at walang tigil naman sa pag-iyak ang manika.
🔹🔹🔹
Nautahan nalang ang binata nang biglang magsalita ang manika.
"Kahapon namatay ang isang bata dahil sakin.. kung nung una palang pinatay ko na sya.. hindi na sana nadamay pa ang batang yon.. pero hindi ko alam kung tama ba na patayin ko sya.." malungkot na sabi ni Thyme.
Naupo naman si Romel sa harap ng lamesa sa tapat ni Thyme at sinimulan nya itong kausapin.
"Naguguluhan ka pa din ba sa nangyari kahapon?.." tanong ng binata.
Hindi naman kumibo ang manika at tanging pagtango lang ang isinagot nito.
"Alam mo.. sa ganung sitwasyon.. mahirap talagang malaman ang tama at mali.." paliwanag ni Romel.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...