Matapos ang misyon ng LP Shirley sa pagsira ng command center ng Doll Corp. sa Egypt ay binigyan ulit sila ng bagong misyon at yun ay ang pagpunta sa Libya. Hindi naman agad nakaalis si Capt. Diadem at ang kanyang mga sundalo dahil sa malaki ang naging sira ng kanilang warship kaya minarapat muna nilang ayusin ito.
Nakatitig ang kapitan sa labas mula sa bintana ng kanyang silid sa loob ng warship at may hawak na isang baso na may lamang yelo at alak. Inaalala ni Diadem ang mga bagay na sinabi sa kanya noon ni Marco nang una nya itong makita.
"Sabihin mo nga sakin.. bakit ka nandito?"
"Dahil gusto kong maging sundalo!"
"At bakit mo naman gustong maging sundalo?"
"Dahil gusto kong protektahan ang mga susunod na henerasyon! Gusto ko silang mabuhay ng masaya sa mundong walang digmaang nagaganap!"
"Ganun ba? Nagkamali ka ng lugar na pinuntahan.. umuwi ka nalang at managinip sa kama mo.."
"Sandali! Ano bang masama sa sinabi ko!?"
"Walang masama sa sinabi mo.. ang problema lang.. hindi yan ang makukuha mo kapag nagsundalo ka.."
"Hah!? Bakit naman!!?"
"Kapag sumiklab ang digmaan.. ang sinasabi mong susunod na henerasyon ay mamamatay.. handa ka bang paslangin ang bagay na gusto mong protektahan?"
"Ang digmaan ay hindi ang lugar para tuparin ang iyong pangarap.. kundi lugar para sirain ito.."
"Kung ganun.. hayaan mong sirain ko ang pangarap ko.. para tuparin ang pangarap ng iba.."
"Anong kalokohan ba ang pinagsasabi!!?"
"Ang taong hindi kayang isuko ang lahat para sa pangarap nya.. ay walang karapatang mangarap.."
"Hm!? Hahaha! Nakakatawa ka.. hindi ko alam kung may problema ka ba sa pag-iisip.. pero sige.. pumunta ka na sa barracks.. hanapin mo si Sgt. Masalig.. sabihin mo magsasanay ka bilang sundalo.."
"Salamat ma'am!!"
"Tandaan mo lang.. oras na naging sundalo ka na.. hindi ka na pwedeng umatras.."
"Naiintindihan ko!"
Bigla nalang napangiti si Diadem matapos nyang maalala ang pagkikita nilang iyon ni Marco.
"Hm! Sa simula palang alam kong bibigyan nya lang ako ng sakit ng ulo.. bakit ko ba tinanggap ang isang yun.." wika nito sa sarili.
Ilang sandali lang ay may nagdoor bell sa kanyang silid at lumapit sya sa pinto para alamin kung sino ito.
"Anong problema?" tanong ni Diadem nang pindutin nya ang maliit na screen sa tabi ng pinto.
"Kapitan.. may video call po sa meeting room galing kay Lt. Col. Himura.." sagot naman ni Rica na nasa labas ng kwarto.
"Sige.. papunta na ko.." tugon ni Diadem at may pinindot lang ulit ito para bumukas ang pinto.
"Kamusta ang pag-aayos sa warship?" tanong ng kapitan nang lumabas sya ng kwarto.
"Ah.. ang sabi po ng engineer ay aabutin pa daw po ng dalawang araw ang pag-aayos.." sagot naman ni Rica.
"Ganun ba.. sige.. sabihin mo isabay na din ang pagkukumpuni ng mga nasirang templar.." utos ni Diadem at nagtungo na ito sa meeting room.
"Masusunod po!" wika ni Sgt. Masalig kasabay ng kanyang pagbibigay pugay sa kapitan.
Nang makarating si Diadem sa meeting room ay naabutan na nyang nakabukas ang malaking screen ng monitor at nag-aantay sa kanya si Lt. Col. Himura at ganun din si Capt. Reyes.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...