Stage 1 : Phase 2

403 30 1
                                    

Nagulat ang dalawa nang makita nila ang babaeng walang malay at walang suot na saplot, matapos gumuho ang isang bahagi ng bundok ng lumang gamit malapit sa kanila.

Kulay Light Cyan ang buhok nito at mayroon itong maamong mukha. Maputi ang kulay ng balat nito at tinatayang may taas itong 5'5". May angkop itong pangangatawan at parang nasa edad 24.

Hindi din inaasahan ng dalawa na ang kanilang natagpuang babae ay hindi pala isang tao.

"Kung hindi sya tao? Ano sya?" nagtatakang tanong ni Claire sa binata na nakaupo sa tabi ng babaeng walang malay.

"Isa syang.. manika.." sagot ni Marco habang nakatitig sa mukha ng babaeng nasa bundok ng lumang mga gamit.

"Sandali.. sigurado ka ba diyan? Bakit ganun? Mukha talaga syang tao.." gulat na tugon ni Claire at tinitigan nitong mabuti ang manika.

"Halos mukha na din namang tao ang mga manika diba? Malalaman mo ba kaibahan ng itsura nila?" tanong ni Marco at tumayo sya sa kinauupuan.

"Oo.. kapag tinitigan mo ng mabuti ang mga manika.. mapapansin mo talagang isa lang silang andriod.. pero ang isang yan.. kahit titigan ko ng matagal.. hindi ko talaga sya mapagkakamalang manika.." paliwanag ni Claire at lumapit ito sa manika saka naupo sa tabi nito.

"Tignan mo ang kanang kamay nya.. natuklap ang balat nya diyan at makikita mong isa syang andriod.." sagot ni Marco sa dalaga.

Napatingin sa kamay ng manika ang dalaga at napansin nyang parang buto ng tao ang nabalatang kamay nito, ang kaibahan lang ay kulay pilak ito at may mga maliliit na kable sa loob.

"Oo nga.. isa nga syang manika.." wika ni Claire nang makumbinsi sya sa sinabi ng binata.

Naglakad na palayo si Marco at binalak nang iwanan ang dalaga. Napalingon si Claire ng maramdaman nyang papaalis na ang binata.

"Sandali Marco.." wika ng dalaga habang nakatingin sa binata.

"Uuwi na ko.. nagugutom na din ako.." tugon ni Marco at nagpatuloy lang ito sa paglalakad.

"Iuwi natin sya!" biglang sabi ni Claire at napatayo pa ito.

Napahinto ang binata sa narinig at bigla itong lumingon sa dalaga.

"Hah!? Nababaliw ka ba? Alam mo ba kung gaano kabigat yan!? Saka bakit naman ako mag-uuwi ng manika?" gulat na tanong ni Marco.

"Kaya nga tulungan mo ko.. humanap tayo ng kariton na mapaglalagyan natin sa kanya.." sagot ni Claire at tumakbo ito palapit sa binata.

Nagsalubong ang kilay ni Marco habang nakatingin sa dalaga at hindi ito kumibo saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Teka! Saan ka pupunta!?" tanong ni Claire nang iwan sya ng binata.

"Nagugutom na ko.. kung gusto mong iuwi ang manika na yan.. bahala ka.. iuwi mo mag-isa.." sagot ni Marco at tuluyan na itong nakalayo.

"Tsk! Kung ayaw mo.. sige ako nalang.." inis na bulong ni Claire habang magkasalubong ang kilay na nakatingin sa binata na naglalakad palayo.

Tumingin si Claire sa paligid na parang may hinahanap. Nagsimula syang libutin ang tambakan para maghanap ng kanyang kailangan.

Ilang minuto ang lumipas at bumalik ang dalaga na may dalang isang kariton na gawa sa bakal at kahoy.

May harang ang kariton sa magkabilang gilid at likod ngunit bukas ang harapan nito. Inilapit at itinutok ni Claire ang harapan sa nakahigang manika.

Lumapit sya sa manika, sa bandang ulo nito, at saka nya sinimulang buhatin. Sa pag-angat palang ng ulo ng manika ay nabigatan na si Claire, inilusot nya ang kamay nya sa kili-kili ng manika mula sa likod nito.

Project MarionetteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon