🔸🔸
20 na taon matapos ang digmaan 🔸🔸Nagsisimula na ang pagbangon ng panibagong ekonomiya ng bawat bansa subalit hindi pa din tuluyang nakakabawi ang mga ito. Marami ang lugar sa mundo na hindi na maaaring tirahan dahil sa radiation na dulot ng mga nuclear weapon na pinakawalan noong nakaraang digmaan.
Marami pa din ang sirang gusali ngunit nakagawa na ng mga panibagong mga istraktura sa tulong na din ng DOLL Corp. Sa lumipas na dalawampung taon ay nanatiling namumuhay ang mga tao kasama ng mga manika.
***Sa isang madilim na lugar at tanging nagliliyab na mga bahay lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Sa harapan ng isang anim na taong bata ay may babaeng may hawak na baril. Pinaghalong pula at itim ang kulay ng buhok ng babae at mapapansing ang braso nito ay gawa sa isang bakal. Isang lalaki ang tinututukan ng baril ng babae, nang bigla nyang kalabitin ang gatilyo.
"Papa!!" sigaw ng isang binata na napabangon at nagising mula sa isang bangungot.
Nagising ito sa isang maliit na kwarto kung saan ang dingding ay gawa sa lumang plywood at yero. Bumangon ang lalaki at nagpunta ito sa kusina para uminom ng tubig.
Umaga na.. at magsisimula na muli ang panibagong araw para sa kanya.
Si Marco, 27 taong gulang, may itim na buhok, may bilugan at kayumangging mga mata, may taas na 5'8", at may matipunong pangangatawan.
Sariwa pa din sa kanyang isip ang bangungot ng digmaan at ngayon ay namumuhay syang mag-isa.
"Marco! Gising ka na ba? Sabay na tayong pumasok sa trabaho.." malakas na sabi ng isang babae na kumakatok sa pinto mula sa labas ng kanyang bahay.
Mapapansing nairita ang itsura ni Marco nang marinig ang boses ng babae at nagtungo ito sa pinto para pagbuksan ang kumakatok.
"Magandang umaga!" nakangiting bati ng babae.
Si Claire, 24 taong gulang, may itim at kulot na buhok, bilugan at kayumanggi din ang mga mata nito, may taas na 5'4", maputi ang kulay ng balat nito at may balingkinitang pangangatawan.
Nakasuot ang dalaga ng pulang t-shirt na may itim na kuwelyo at manggas. Hanggang tuhod ang itim na palda nitong suot at nakasuot sya ng flat black leather shoes.
"Ano na naman bang ginagawa mo dito?" nakasimangot na tanong ng lalaki.
"Grabe.. ang sungit mo talaga.. sinundo na nga kita eh.." tugon ni Claire.
"Hindi ko naman sinabing sunduin mo ko.." sagot ni Marco at isinara nito ang pinto.
"Hoy teka!" pahabol na sabi ng babae at kinatok ulit nito ang pinto.
Huminto ang dalaga nang hindi na sya pagbuksan ni Marco.
"Tsk! Bakit ba daig pa nun ang babae kung mag-inarte?" inis na tanong ni Claire sa sarili.
Napalingon ang dalaga sa maliit na bangko malapit sa pinto at umupo na lang muna sya dito. Kalahating oras nag-antay si Claire bago lumabas ng bahay si Marco.
Nakasuot si Marco ng puting t-shirt at nakakulay abo na pantalon habang naka-rubber shoes. May dalang bag ang binata at nakasabit doon ang kanyang jacket na kulay abo din.
Nagulat ang binata nang lumabas sya ng bahay at makita ang dalaga na nandoon pa.
"Mabuti naman tapos ka na.." wika ni Claire at tumayo ito sa pagkakaupo.
Sinulyapan lamang ito ng binata ng isang beses at naglakad na papunta sa kanyang trabaho.
"Hoy Marco! Sandali!" malakas na sabi ng dalaga at hinabol nito ang binata.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...