Isang maaliwalas na panahon sa gitna ng disyerto habang nakaantabay ang ilang tauhan sa bridge ng LP Shirley para magmatyag sa anumang panganib na darating.
"Haaaay.. gusto ko nang umuwi.. nakakainip na.. mukhang tapos na ata ang gera eh.."
"Hindi naman porket wala tayo sa labanan ngayon eh tapos na ang gera.."
"Oo nga.. magpasalamat nalang tayo at hindi pa tayo nabibigyan ng bagong misyon.. muntik na tayo dun sa huling misyon natin.."
"Sabagay.. tama ka diyan.." usapan ng mga tao na nasa loob na nasa loob ng bridge.
Bumisita naman si Erich para alamin ang kalagayan sa paligid ng warship nila.
"Kamusta dito? Wala bang kahina-hinalang pangyayari?" tanong ng kapitan at naupo ito sa kanyang pwesto.
"Ah.. kapitan.. ayos naman po.. may paparating lang na sandstorm.. pero wala naman kaming namataan na kalaban sa paligid.." sagot ng isang babae.
"Mabuti naman.. pero maging alerto pa din kayo.. tandaan nyo hindi basta-basta ang Doll Corp." tugon ni Erich.
"Opo!!" sabay-sabay na sagot naman ng mga tauhan nya.
Makikita naman mula sa bridge ang malaking sandstorm na paparating at habang umiinom ng kape si Capt. Diadem ay may napansin syang kakaiba sa bagyo ng buhangin.
"Pwede mo bang i-zoom ang sandstorm? May gusto lang akong makita.." utos ng kapitan.
"Yes Captain.." tugon ng isang lalaki at mula sa salamin ng bridge ay kusang lumapit ang natatanaw nilang bagyo.
Nagulat naman ang lahat nang makita nilang tila may malaking anino na nasa loob mismo ng sandstorm.
"Ano yun!!?" gulat na tanong ng isang babae.
"I-activate nyo ang force shield!" agad namang utos ni Capt. Diadem nang makita nya malalaking anino na nakalutang sa lupa.
"Opo!!" mabilis na tugon ng isang lalaki.
"Kapitan! May parating na beam particle!" bigla namang sigaw ng isang babae at nakita nalang nila na may liwanag na papunta sa warship nila.
Mabilis na tumama sa kanila ang beam particle na pinakawalan ng kalaban at yumanig sa buong LP Shirley.
Nagulat din ang ibang sakay ng warship sa pagyanig na naganap at mabilis na kumilos ang mga ito para maghanda sa panganib na parating.
"Ideklara ang red-alert! Sabihan ang mga sundalo na maghanda sa pakikipaglaban!" utos ng kapitan.
Sumunod naman agad ang mga tauhan nito na nasa bridge.
"Ilang warship meron ang kalaban?" tanong ni Capt. Diadem.
"Hindi po namin sila madetect! Wala pong lumalabas sa radar natin!" sagot ng isang lalaki.
"Bwisit!! Ihanda ang charge particle cannon! Alamin ang coordinates nila!" muling utos ng kapitan.
Bigla namang lumabas sa screen sila Lt. Sato at Lt. Park sa kalagitnaan ng kaguluhan sa bridge.
"Captain! Nakahanda na po ang mga templar.." wika ni Lt. Sato.
"Sige.. ideploy na ang mga sundalo.. pero huwag muna kayong lalapit sa kanila.." tugon ni Capt. Diadem.
"Roger!" sabay na sagot ng dalawang tenyente at nawala naman sila sa screen.
Ilang sandali lang ay may biglang lumabas na mga missile mula sa sandstorm na papunta sa LP Shirley at umulan nang mga pagsabog sa warship.
"Kapitan! Nakahanda na po ang charge particle cannon!" sigaw ng isang babae na nasa bridge.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...