Nang makalabas si Claire ng ospital ay pinasya ng magkakaibigan na samahan nila at ihatid ito pauwi.
"Claire sigurado ka bang dun ka pa din sa bahay nyo titira? Pwede ka naman samin.. kung gusto mo.." tanong ni Carol sa kaibigan habang kasabay na naglalakad ang kaibigan.
Napalingon naman ang dalaga sa kanya at nginitian sya nito.
"Salamat.. pero ayos lang ako.. pangit ang mga naging karanasan ko sa bahay na yun.. kaya gusto ko sana.. gawan iyon ng mga masasayang ala-ala.." tugon ni Claire.
"Paano kung bumalik ang tatay-tatayan mo? Ehdi mapapahamak ka na naman?" tanong naman ni Marco na kasunod nilang naglalakad sa likuran.
Napalingon ang dalaga sa binata at nginitian nya din ito.
"Huwag kang mag-alala.. napag-usapan na namin ni Thyme na kasama ko syang titira dun.." sagot ni Claire.
"Uhm! Akong bahala kay Claire.. ipagtatanggol ko sya dun sa panot na yun.." wika naman ni Thyme na kasabay din ng dalaga na naglalakad.
"Hindi naman na babalik si Mr. Gonzales sa bahay nyo.. pinaghahanap na sya ng mga pulis.. at may mga nagmamatyag din sa bahay nyo kung sakaling magbalak syang puntahan ka.." sabi naman ni Romel na naglalakad kasabay ni Marco.
"Nagpapasalamat ako sa mga tulong nyo.. hayaan nyo.. makakabawi din ako sa inyo.." nakangiting tugon ni Claire sa mga kaibigan.
Bigla namang iniharang ni Thyme ang kamay nya para pigilan ang mga kaibigan sa paglalakad.
"Sandali.." wika nito.
"Huh? Bakit Thyme? Anong problema?" nagtatakang tanong naman ni Claire sa manika.
Hindi kumibo ang manika at napatingin ito sa ikalawang palapag ng gusali na nasa kaliwa nila.
Bigla nalang nawasak ang isang bahagi ng pader ng ikalawang palapag ng gusali at tumalon mula dito ang isang lalaki. Lumapag ito sa harapan nila, na natukod ang dalawang kamay sa kalsada.
Nabalot ng takot ang magkakaibigan lalo na nang lumingon ito sa kanila. Mapapansin na nagliliwanag ang kulay pulang mata nito at gamit nito ang dalawang paa at kamay sa paglakad.
"Isang sinapiang manika.." tanging sambit ni Marco ng makita nito ang itsura ng lalaki.
Napalingon naman si Thyme sa binata at napaisip sa narinig.
"Sinapiang manika?" nagtatakang tanong nito.
"Oo.. yun ang tawag ng mga tao sa mga manikang nagmamalfunction.. pero hindi naman talaga nagloloko ang mga ito.. ang totoo nyan.. may naghahacked ng system nila.." paliwanag naman ni Romel sa kanila.
Unti-unting lumapit ang lalaking manika sa kanila habang nanggigigil ito na parang isang mabangis na hayop. Napahakbang naman paatras ang magkakaibigan maliban sa kasama nilang manika.
Inihanda ni Thyme ang kanyang sarili para protektahan ang mga kaibigan sa gagawing palusob ng lalaking manika.
Bago pa makalusob ang sinapiang manika ay bigla nalang may sumipa sa kanya na nanggaling mula sa itaas. Mabilis namang naiwasan ito ng lalaking manika nang tumalon ito papunta sa kanan.
Nawasak ang sahig na pinagbigasakan ng paa ng babaeng nanggaling sa itaas ng gusali.
Natulala naman ang magkakaibigan nang makita nila ang babaeng may mahaba, kulot at kulay gintong buhok. Nakasuot ito ng kulay asul na blaiser na hindi nakasara ang butones kaya makikita ang suot nitong puting sando. Nakasuot din ito ng itim na pantalon at itim na combat shoes.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...