Maagang bumisita si Lt. Masalig sa opisina ni Capt. Daidem para ibigay ulat tungkol sa mga dumating na supply, templar, manika at mga bagong sundalo kagabi."Mga dagdag na sundalo.. mga dagdag na mamamatay sa digmaan.." malungkot na sabi ni Erich habang nakatingin sa mga papel na hawak nya.
"Hindi talaga siguro natin maiiwasan ang tungkol sa bagay na yan kapitan.." tugon naman ni Rica na nakatayo sa harapan nito.
"Hindi ko alam kung magagawa ba nating manalo sa digmaang ito.. kakaunti nalang tayo.. paano pa kapag lumusob na tayo sa main command center ng Doll Corp." wika ni Erich.
"Dapat siguro magfocus ang nakatataas sa paggawa ng mga sundalong manika.. kaysa magpadala ng mga tao sa digmaan.." sagot ni Rica.
"Matatagalan pa tayo sa paggawa ng maraming manika.. nagsisimula palang magtayo Human Military Force ng mga bagong pagawaan.." paliwanag ni Erich na sinundan nya ng isang malalim na paghinga.
"Sige na.. makakaalis ka na.. salamat sa binigay mong report.." dugtong ni Capt. Diadem.
"Kapitan may itatanong lang sana ako.." wika naman ni Lt. Masalig.
"Huh? Tungkol saan?" tugon ng kapitan.
"Tungkol po ito sa manika na tumulong satin noong huling misyon.. posible ba talaga na ma-in love sila sa isang tao?" tanong ni Rica.
"Ah.. hindi mo nga pala alam ang sikreto sa mga marionette.. ang totoo nyan hindi talaga sila isang manika.. kundi isang tao.." sagot ni Erich.
Nagulat naman ang dalaga at hindi ito makapaniwala sa narinig.
"Isang tao? Paanong nangyari yun?.." naguguluhang sabi nito.
"Manika pa din ang katawan nya.. pero utak ng isang tao ang nasa ulo nito.. para silang tao na nakakulong sa katawan ng manika.." paliwanag ni Capt. Diadem.
"Sandali kapitan.. posible ba yun?" gulat na tanong ni Lt. Masalig.
"Yun ang impormasyon na nakuha namin noon.. mahirap paniwalaan.. pero sa nakikita mong kilos at reaksyon nya.. masasabi mong.. tama nga ang nakuha naming impormasyon.." sagot ng kapitan.
Nanlumo si Rica sa kanyang natuklasan tungkol sa manikang si Thyme at maraming katanungan na nabuo sa kanyang isip.
"Bakit naman nila ginawa ang bagay na yun sa isang tao? Ang sama nila.." sabi nito.
"Dahil sa kagustuhang maging imortal.. at maging makapangyarihan.." tugon ni Erich.
"Kung ganun.. posibleng ang mga namumuno sa Doll Corp. ngayon--.." wika ni Rica.
"Posibleng wala ng tao sa kanila.. at lahat sila ay mga manika na.. at kaya gusto nilang ubusin ang mga tao.. dahil takot silang may makagawa din ng paraan na toh.. at labanan sila.." tugon ni Capt. Diadem.
"Kaya ba nila binalak wasakin ang mga marionette noon?.." tanong ni Lt. Masalig.
"Ganun na nga.. mabuti.. asikasuhin mo muna ang mga bagong dating na sundalo.. habang wala pa tayong natatanggap na utos mula kay Lt. Col. Himura.." wika ni Capt. Diadem.
Tumayo ng tuwid ang tenyente at nagbigay pugay ito nang marinig nya ang sinabi ng kapitan.
"Yes Captain!" sagot ni Lt. Masalig at nagbigay pugay din Capt. Diadem sa kanya saka sya lumabas ng opisina nito.
***
Samantala, tahimik na kumakain si Marco at Shin sa cafeteria kasama sila Yumi at Nico.
BINABASA MO ANG
Project Marionette
Science FictionDalawampung taon ang lumipas matapos ang digmaang pandaigdig.. unti-unti ulit nakakabangon ang mundo. Si Thyme.. isang manika ng nakaraang digmaan ay matatagpuan nila Marco at Claire sa isang tambakan ng basura. Mahanap kaya ng manika ang bago nyang...