Puntavega
"Hala naman," hinihingal ako na napaupo na lang sa isang bench sa dulong bahagi ng quadrangle. Medyo tago tong lugar na to at napapansin ko na wala masyadong estudyanteng nagagawi. Marami din kaseng puno at medyo tahimik.
Kanina ko pa hinahanap yung lalaking tinakasan ata ng katinuan sa utak para sana bawiin yung sketchbook ko pero nalibot ko na yata yung kalahati ng University pero hindi ko pa din siya mahanap.
Hindi naman ako pwedeng sumilip na lang basta sa bawat klase para makita siya. Baka akala ng mga tao papansin ako. Tsaka hindi pa naman ako ganoong kadesperada para gawin yun.
Mahahanap ko pa siya.
Pinunasan ko ang pawis na tumatagaktak sa noo ko. Wala pa naman akong baong extrang damit.
Naipaypay ko ang aking kamay sa aking mukha bago ko inilapag pansamanta ang suot kong bag sa gilid ko.
Basa na tong kili kili ko sa kakalakad-takbo. June pa lang at tirik na tirik ang araw. Titirik na din yung mata ko sa uhaw at gutom. Kung lalaki lang ako baka may iba na ding tumirik sakin.
Napapikit ako sandali at naihilot ang kamay sa sentido.
Bakit niya ba kase kinuha?
"Nakakainis!" hindi ko na napigilan at nagpapadyak ko na parang batang paslit.
Nagalit ba siya na dinrawing ko yung mga mata niya? Ang epal niya naman ata. Hindi naman kami close. Pwede niya naman ipatapon sakin yung drawing kung naalibadbaran siya. Bakit kailangan niya pang kunin yung sketchbook ko?
Bakit mo kase dinrawing? Sulsol sa akin ng konsensya ko.
Malay ko din naman kase e minsan napapadrawing na lang ako bigla. Napahamak pa tuloy ako.
Tsaka pwede ko naman itanggi na mata niya yun e. Hello? drawing lang yun, sketch. Hindi naman ako ganun katalented para magaya ng sobra ang mata niya. Tsaka ni hindi ko pa nga natatapos.
Akala ba yata ikinagwapo niya yung kadramahan niya na ganun?
Hala, gwapo nga siya diba? Suway ko sa sarili ko.
"Jusko, Chaese. Dapat hindi ka na lang lumipat ng school," bulong ko sa aking sarili. Naiirita ako at hindi ko alam kung maiiyak ba o ano. Napakadami dung sketches. Yung iba nga dun kopya nung mga naibenta ko nung hayskul pa ako.
Napasabunot ako ng bahagya sa aking buhok.
Bumalik na lang kaya ako sa dati kong eskuwelahan? Kahit minsan yung katabi ko amoy putok, pagtitiisan ko na lng siguro kaysa mastress yung kapirangot kong utak dahil sa school na to.
Napasandal ako ng bahagya sa upuan para magpahinga.
Bakit kase ang hirap abutin masyado ng kapatid ko e. De sana hindi ko kinailangang mag enrol dito. E parang wala ding silbi dahil hindi ko naman siya nakikita.
Isa pa, hindi ko din naman alam kung paano siya kakausapin. Masyado kaming awkward sa isa't isa. Baka mapahiya lang ako.
Nakagat ko ang ibaba kong labi.
Dahil sa lalaking yun, napaabsent pa tuloy ako sa isa kong subject.
Hindi naman big deal sa akin kase halos umpisa pa lang ng pasukan at makakabawi pa ko. Pero nakakahiya naman kay Tita Monica kapag nalaman niya na nagbubulakbol lang ako dito. Hindi naman mura ang tuition. Pwede ko na nga atang pang down payment sa studio room ng condo unit yung tuition dito e. Ganoong kalaki.
"E kung hayaan ko na lang yung sketchbook?" bulong ko ulit sa sarili ko.
Punyeta, nagmumukha na kong tanga kakakausap ko sa sarili ko.