7

6.1K 268 131
                                    

Papaliguan...


"Tigilan mo ang kakasisi sakin. Sino ba ang dahilan bakit umabot siya sa ganyan? Alam ko na umiyak siya nung araw na yun. Namumula yung mata niya ng umuwi siya. Tapos kakaarte at pahabol mo sa kanya, mukhang hindi siya nakakatulog ng maayos. Sino ngayon ang may kasalanan?" napadaing ako ng magising ako sa lakas ng boses na nadidinig ko sa paligid ko.

"She asked me to stay away from her. What do you want me to do?" parang boses ni Chase.

"Anong malay ko? E di ba ikaw ang boyfriend?"

"Huwag nga kayong mag away dito. Simpleng trangkaso lang naman sana. Hindi naman sana lalala kung kumakain siya at umiinom ng gamot," napadaing ako ulit ng madinig ang isang pamilyar na boses. Si Julio ba yun? Teka, asa kwarto ko ba siya?

Nakapikit pa din ang aking mata habang unti unting bumabalik ang aking katinuan. Ang huli kong naaalala ay bumangon ako para sana magbanyo. Nung hapon pa lang pag uwi ko ay hindi ko na nagawang bumangon para maghapunan.

Sobrang sama na kase ng pakiramdam ko. Tinangihan ko ang gamot na binibigay sakin ng mga kasambahay dahil hindi ko kayang lumunok ng mga capsule o tablet.

Mukhang tanga pero ganun talaga ako simula pagkabata. Hanggang ngayon ay hindi ako umiinom ng gamot sa tuwing may sakit ako. Pwera na lang kung syrup. Alam din yan ng aking ina kaya kung dumating ako sa puntong nanghihingi na ako ng gamot ay alam niyang hindi ko na kayang magtiis. Kasama din ng gamot ay ang mga saging para malunok ko.

"Now my Dad was mad. Lahat ng kasambahay ay napagalitan," nadinig kong sabi ni ate.

Teka, bakit andito sila sa kwarto ko. Nagdedelehiryo na ba ko?

"Wala na tayong magagawa. At least medyo maayos na ang lagay niya. Nanghina lang siya dahil hindi siya nakakakain,"

Medyo umikot ng bahagya ang aking pakiramdam sa dami ng boses sa aking paligid. Alam kong medyo malaki ang bago kong kwarto pero bakit parang may party yata sa loob. O naiwan ko bang nakabukas ang tv?

Dahan dahan akong napadilat pero agad ding napasarado ang aking mga mata dahil sa sobrang liwanag, nakakasilaw. Yung ulo ko, medyo mabigat pa din at kumikirot pero nawala na yung panlalamig ng katawan ko. Hindi na ko giniginaw. Yun lang, parang makirot pa din ang aking lalamunan.


"Ahmmmm," medyo napalakas yata ng konti ang daing ko dahil nagkagulo sila bigla. Mas lalong dumami ang boses sa aking paligid.

"Ingay...." daing ko. Pakiramdam ko sasabog na lang anumang oras ang bungo ko sa sakit.

"Punyeta ka Lexo. Tigilan mo ang kakabounce dyan malapit sa kanya. Ako ang nahihilo sayo," nadinig kong angal ni Julio.

Shit, andito nga sila. I reached for my temple pero nagulat ako ng parang may pumigil sa kamay ko. Ay syet, dextrose.


Tangina talaga.

"Huy babae ni kambal, okay ka lang?"nadinig ko si Ulap. Napamulat na ulit ako ng mata. Dahan dahan lang kase medyo nakakasilaw pa din. I tried blinking multiple times, focusing my eyesight hanggang sa luminaw na din ang tingin ko sa paligid.


Napalunok ako. Puting kisame at dingding, puting kama at kumot, amoy alcohol at mga gamot, punyeta, ospital.


Pag angat ko ng mukha ay saktong saktong nagtama ang aming paningin. Sa dami ng pares ng mata dito, bakit yung kanya pa? He look so serious and it's scaring me.

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon