31

3.9K 172 98
                                    

Nang aakit


A satisfying moan escaped my lips as I turned my body towards my right, ang kumot na nakapalibot sa aking katawan ay akin pang hinatak pataas.

"Ahmmmm," napaungot akong muli habang hindi nawawala sa labi ang ngiti. Kahit na malambot naman ang kama sa bahay ng aking ama ay hinahanap hanap ko pa din talaga ang lambot ng sarili kong higaan. Kaya ngayon na nakauwi na akong muli sa amin ay hindi kataka taka na napahimbing ang aking tulog.

Nanaginip ako. Nagdate daw kami ni Chase. Binigyan niya daw ako ng maraming lobo tsaka mga chocolates. Tapos may dala pa siyang isang malaking Stitch na stuff toy.


He looked dashing in my dreams. Kahit simpleng white dress shirt at black pants lang, hindi ko pa din maiwasang mamesmerize sa itsura niya. Naging triple nga yata yung kagwapuhan niya sa panaginip ko e.

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata.

Medyo maliwanag na ang paligid.

Napatingin ako sa bandang kaliwa ng aking kwarto at parang hanggang sa paggising ko ay siya agad ang laman ng aking isip.


Parang malakas na ang tama ko kay Keso. Kase naiimagine ko na din siya na nakaupo sa sofa sa loob ng aking kwarto.

He's wearing the same clothes he had on my dream. At katulad ng sa panaginip ko ay ang ganda pa din ng kanyang ngiti. Nakakapangisay.


"Did you had a nice dream?" Paos ang kanyang boses at maging ang kanyang tinig ay tila naguudyok sa akin na bumalik sa pagtulog.

Agad akong napangiti. How lucky am I to have someone like him?  Na kahit sa panaginip ay dinadalaw niya ako at pinapakilig?

Sa naisip ay isang ngiti ang nagpatuwid sa aking labi, "Ang gwapo talaga ng boyfriend ko. Can I get a hug?" ungot ko bago ako dahan dahang bumangon paupo sa kama, my arms spread so wide at talagang hinihintay ko siya kahit alam kong gawa gawa lang siya ng isipan ko.


Ang sarap siguro sa pakiramdam na siya palagi ang makikita ko sa pagmulat ng aking mga mata,  na boses niya ang gigising sa akin mula sa pagtulog at mga bisig niya ang bubuhay sa natutulog ko pang diwa.

Ang saya siguro.

I saw the corner of his lips twitching bago siya biglang napangisi. Naikurap kurap ko pa bahagya ang aking mga mata ng dahan dahan siyang tumayo at lumapit sa kama ko, ang kanyang pamilyar na amoy ay bahagya ng nakapagpakunot sa aking noo.

Bakit ko siya naamoy?

And then the impossible happened. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at ipinalibot sa kanyang katawan kaya ako na ngayon ang may akap sa kanya.

I felt his bury his face on the crook of my neck,  a soft whisper coming out of him shocking my whole system. Wait lang, bakit parang totoo na to?

Nanayo lahat ng balahibo sa katawan at pakiramdam ko nagwawala na naman kung anuman ang nasa dibdib ko. Feeling kailangan ko na talagang magpacheck up.

"I love you..."

Tumama ang hininga niya sa aking leeg na halos magpabaliw sa akin. Bukod pa mismo sa sinabi niya.

Punyeta.

He pulled me even closer. Hindi ko alam kung sino sa amin pero parang ninanamnam namin ang isa't isa, pero wholesome siyempre.

Nakahiga naman ako pero parang nanghihina ako, at nag iinit.

Napairit ako ng bigla kaming tumumba hanggang sa lumapat ang aking likod pabalik sa aking higaan.

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon