Lasing...
"Hindi kayo titigil?" nanggigigil na turan na Ice kay Lexo at Ulap pero halata naman na sa mukha na nasisiyahan. Sa tabi niya nakaupo si Mattee na panay ang hagikgik habang may hawak na isang bite ng beer sa kaliwang kamay. Yung dalawa kase ay panay ang birit sa harapan habang si Kuya Aedree naman ay halos gumulong na kakatawa habang naggigitara.
Si Milan, nakatayo din at panay ang giling na sinasabayan naman ni Julio. Maging si ate ay panay ang hagikgik.
Napangiti ako. I scan the crowd in front of me. Sino ba ang mag aakala na pagkatapos ng ilang buwan ay makikilala ko sila?
All these time, I was aloof with people. Takot na takot akong magpapasok ng mga tao sa buhay ko dahil takot na takot nga akong maiwan. Takot ako na masaktan sa huli. Sa isang iglap, nagbago ang lahat sa buhay ko. Nakilala ko ang aking ama. Nagkaroon ng pangalawang ina. Mayroon na akong kapatid at ngayon naman, mayroon ng taong nagpaparamdam sa akin na importante ako sa kanya. And them, ang magpipinsang Puntavega at si Mattee, I finally have friends now.
Napatingin ako sa gawi ni Xantha. After Antonia, she's the only other person I can say that is close to me.
Naramdaman ko amg pagluwag ng mga kamay ni Chase mula sa pagkakapulupot sa aking baywang hanggang sa makatayo siya.
"Ohhh yeahhh!" malakas niyang sigaw habang sinasabayan na daw sila Ulap at Lexo sa pagwawala. Mga nakainom na din kase.
Meron din akong hawak na isang boteng alak pero paunti unti lang and lagok ko. Umiinim naman ako pero hindi talaga masyado. I just don't like the feeling of getting drunk. Nalasing na ko minsan ng mag inuman kami ni Nixie pero after kong magsuka sa sala nila ay hindi ko na inulit. Hiyang hiya ako kay tita. Isa pa, nakakadiri. Ang pangit ng feeling kapag nagsusuka. Nakakairita.
"Sa ilalim ng putinggggg ilawww"
"Ang pangit ng boses mo Julio, wag ka na ngang kumanta!" sigaw ng kapatid ko pero humahagikgik pa din.
Sobrang saya nilang tignan at hindi ko mapigilang ngumiti.
I'm starting to enjoy these moments, like really enjoy them.
For once, I feel like I belong. Kahit minsan ay hindi ipinaramdam sakin ng mga Puntavega na hindi ako kasali sa barkda nila na ang turingan na ay isang pamilya. Even Mattee accepted me easily. Pakiramdam ko ay ibinigay lang silang lahat sakin.
"Hoy Chaese Andrea, kumanta ka naman!" si Mattee. She was wearing a black halter crop top paired with a long chiffon pants with the same color. Bahagya ng namumula ang kanyang pisngi dahil sa kalasingan. Hindi ko alam kung nakailang bote na siya.
Iginiya siya ulit paupo ni Ice ng bigla siyang tumayo dahil medyo gumewang na siya.
"Ha?" alanganin kong turan. Naramdaman ko ang nanunuot na titig mula sa aking gilid.
"No," napailing kong turan. Nakangisi na si Chase sakin.
His expression transitioned from that teasing one to his cute killer look.
Siyempre ako naman na si gaga napakarupok.
Punyeta ka Chaese Andrea. Masyado kang nagpapalandi sa keso na yan ha. Bulong ng konsensya ko.
"For me?" he cooed, his eyes squinted. Wala na siyang mata tapos todo ngiti pa siya. Ayan, todo kalabog din tong dibdib ko sa loob. Akala mo may humahatak na tambol sa loob. Kakausapin ko sa susunod tong si Chase. Baka matuluyan ako dahil sa kanya e.