Tambol...
"Ano yan?!" napaigtad ako ng may magsalita mula sa aking likuran. Agad kong naitago ang aking sketchpad, at nakagat ang pang ibaba kong labi.
Tinaasan naman ako agad ng kilay ng kuya ni Grey na si Ice. Naka white shirt lang siya at itim na shorts habang naglalakad ng nakayapak. Mukhang bored na bored na naman at napakaseryoso ng itsura. Bihira kong makausap tong si Ice lately e. Palagi ding nawawala. Actually, lahat sila ay palaging nawawala ngayon bukod kay Milan na palagi lang kasama ng kapatid ko. Yun nga lang, palagi din silang magkaaway.
"Bakit ka ba nanggugulat?" kinakabahang singhal ko sa kanya. Bahagya pa akong napanguso. Nag iwas ako agad ng tingin.
I was doing a skecth of Chase. Nasira kase yung sketch ko ng mga mata niya.
And then from the corner of my eyes, I saw him walked even further, so sinundan ng aking mga mata ang bawat kilos niya.
He was getting a glass of water from the fridge. Oo, may ref naman sa kusina. Napagdesisyunan nila na gamitin pa din ang isa sa bahay kahit na may mga tent na kaming naitayo.
Kase nga naman ang hirap ng walang banyo. Si Julio nuknukan ng arte. Tsaka si Aedree, lakas machef kung magluto. Kailangan yata ng buong kusina ng restaurant. Daming ganap. Muntik pa nga silang magbalibagan ng kaldero kanina ni Xantha dahil napakaspecific ng gustong paglutuan ni Aedree e.
Mainam na din at nakalayo ako sa kanila kahit saglit.
Madilim na at nagpaalam lang ako saglit kay Chase na magbabanyo pero ang totoo ay gusto ko lang mapag isa. Staying on the place with my sister is making me feel uncomfortable. Pakiramdam ko ay naiinis lang siya na nakikita ako. At masakit, tinatablan ako ng katotohanan na yun.
Tinaasan ako ni Ice lalo ng kilay ng matapos siyang uminom ng tubig.
"Ano, magmumukmok ka dito?" tanong niya. "Ikaw bahala, may malaking daga dito," dagdag niya. Bahagya tuloy akong kinilabutan bago nagpalingalinga sa paligid. Natawa siya ng malakas.
Nagyuko ako ng tingin.
"Okay lang ako dito. Babalik din ako mamaya,"
Napaismid siya. Ito si Ice, napansin napakasungit.
"It's so obvious that you two sisters have issues. But I hope you don't think too negatively," umpisa niya. I was confused why he was telling me these. I mean, sa lahat ng Puntavega, siya yung akala mo walang pakialam.
Masyado na ba kaming obvious na magkapatid?
A long sigh escaped his lips.
"Look, I know you're probably confused why I am even talking to you about this. But trust me, it wasn't as bad as it looks like. Si Dakota, ganyan na siya bago niya kami makilala. She was aloof at sobrang reserved. She doesn't want to show people her weakness," umpisa niya. Naibaba ko ang aking sketchpad sa may kitchen counter at napatitig sa kanya. It's been months, of course, now they all knew the whole story.
"Ayaw niya na may nakakakita na mahina siya, and you, apparently, you came out of nowhere. Nagising na lang siya isang araw na may kapatid, that's her defense mechanism you're facing. Give her time,"
My hands balled into a fist. Defense mechanism?
Paano ako? Anong panlalaban ko sa sakit na nararamdaman ko sa tuwing ginaganyan niya ko?
Pero ano ba kase ang dapat kong asahan? Baka nga mellow pa tong coldness niya sakin e. Kung iba siguro baka mas malala pa. At least siya, hindi niya ko inaapi. Yun nga lang, mukhang wala lang siyang pakialam sakin.
Masakit sa pakiramdam. Yung pakiramdam mo may naninikip sa dibdib mo at para kang kinakapos ng hininga? Ganun. Parang may dinudurog sa loob ko na unti unti akong pinapatay. Totoo nga siguro yung sabi nila, iba ang sakit kapag dahil sa pamilya.
Nakakaubos. Nakakapanghina.
Yung bawat araw na gigising ka, iniisip mo kung ano ang sasabihin niya sayo kung magkakasalubong kayo?
O kung dapat ko ba siyang kausapin kapag nagkakasalubong kami? Kase baka ayaw niya naman akong makausap. Baka lalo lang siyang mainis sakin.
Napangiti ako ng mapait bago tumango tango.
"Of course..." sagot ko.
Wala naman akong magagawa e. Gusto ko sanang idagdag pero pinigilan ko ang aking sarili.
I smiled at him and nodded, thankful that he actually made an effort to talk to me. Alam kong nag aalala lang din siya sa kapatid ko.
"Good, now get your ass off this house. Yung boyfriend mo, malapit ng maglandi sa labas. Napakadaming babae dun na nakatambay. Ang lilinis ng ilong, nasinghot agad yung mga tukmol,"
Ako naman ang napaangat ang kilay sa sinabi niya.
Though this was a private resort, they don't own the whole beach. May mga resort din sa paligid. The sand being white and the water pristine actually made the island a very in demand tourist spot.
At isa lang ang napatunayan ko, hindi basta basta ang mga Puntavega. They act like they are ordinary citizens. Ni hindi sila makikitaan ng kahanginan sa paaralan pero masyado silang kilala. Ni hindi man lang nila kailangang mag effort na mapansin dahil apelyido pa lang nila ay lalapitan mo na.
Bigla akong napaisip. Kaya siguro may mga babae kaninang padaan daan sa gawi namin. Madami din ba talagang nakakakilala sa kanila dito? E madaming foreigner kanina a?
Napansin yata ni Ice ang itsura ko na mukhang naguguluhan kaya hinawakan niya ko sa balikat bago iginiya papunta sa may bandang pintuan.
"Tigilan mo ang pagtunganga dyan Andeng. Oo, madaming fans ang angkan namin kahit mga may saltik sa utak yung mga tukmol. Ako lang ang natirang normal," sagot niya na ikinatawa ko. Hinayaan ko na lang siya sa pagtulak sakin. Hindi nagtagal ay binitawan na din naman niya ako ng makalabas kami ng bahay.
"Napakautusero mo. Dapat nasa bahay pa ko e," hindi ko napigilang magbiro.
"Huwag kang feelingera dyan, babae. Ayoko lang na magbwisit kay Keso kapag nag away kayo. Nakakairita silang tatlo nila Ulap at Lexo,"
Napakamot ako sa aking batok. Naiimagine ko kase kung paano magbangayan yung tatlong pinakabata.
"Hindi ko naman inaaway si Chase ah. Siya nga itong palaging may ikinagagalit e,"
Nagtaka na lang ako ng bgla na lang siyang huminto kung kaya't ganun din ako. Hindi ko napigilan na lingunin siya.
"Yun na nga Andrea e, hindi ka kase nagagalit. Mas kinakabahan ako lalo," sagot niya bago ako nilampasan.
Nagsalubong ang akin kilay sa kanyang sinabi.
Ano ang ibig niyang sabihin?
Bago ko pa siya magawang tanungin ulit, napalingon ako ng sumigaw ng malakas si Ulap.
"Lagot ka ngayon Keso. Nandyan na si Andeng,"
"Patay kang kineso ka. Sa labas ka matutulog,"
Napakunot ang noo ko at oarang nay tambol na tumira sa aking dibdib ng makita ko kung ano ang nangyayari.
Si Chase nakapalupot ang kamay sa baywang ng isang babaeng blonde ang buhok at halos wala ng saplot na suot.
Nagtama ang aking paningin at nakita ko abg pag iba ng ekspresyon ng kanyang mukha.
Napalunok ako. Ang lakas ng paghataw sa aking dibdib.
Ano bang klaseng bakasyon to? Unang gabi pa lang pero parang gusto ko ng umuwi.
![](https://img.wattpad.com/cover/174154286-288-k590363.jpg)