11

5.2K 229 33
                                    

Bulaklak....

"Ma, hindi talaga, promise..." maktol ko na napapadyak pa ng paa sa sahig. Ang aking ina naman ay napapailing na lamang. Hindi ko alam king maooffend ba ko dahil natatawa siya o dapat ba akong kabahan.

"Huwag ka ng tumangi Chaese Andrea," napatikom ang aking labi dahil sa tinuran ng aking ina.

Napagsalikop ko ang aking palad at ipinatong iyon sa aking kandungan habang nakaupo sa couch sa loob ng office niya.

Hindi ko napigilang irapan si Chase na nakaupo din sa tabi ko.

Kasalanan niya to e.

Nang tawagin ako ng aking ina kanina ay napalundag ako paalis sa kandungan ni Chase.

I remember seeing the shocked look on my mother's eyes. Kahit naman ako siguro ay magugulat kung ang anak kong ni hindi man lang nagkaroon ng manliligaw ay makikita kong nakakandong sa isang lalaki.

Tinawag niya agad kaming dalawa sa loob ng kanyang opisina. Ang balak kong pagtanggi na hindi ko siya nobyo ay hindi ko nagawa dahil nagsalita na agad tong si Chase at nagpakilala bilang boyfriend ko. Nang sinubukan kong itanggi ang sinasabi niya ay napagalitan agad ako.

Nakakandong nga daw ako tapos sasabihin ko na hindi ko daw nobyo. Oo nga naman.

Kaya lang, kabaliktaran ng aking inaasahan ang naging reaksyon ng aking ina. Akala ko ay magagalit siys ngunit hindi. Bagkus ay natawa pa siya at agad na niyakap si Chase na ang kapal naman ng mukha dahil ngingiti ngiti.

"I'm not against you being in a relationship pero sana magdahan dahan kayo. Please, huwag naman kayong magkadungan sa harap ko utang na loob," natatawa niya ulit na turan na sinakyan naman agad ni Chase.

"Opo Tita. Amg clingy po kase neto ni Andrea,"

Napapikit ako sa inis. Pakiramdam ko ay kumukulo ang aking dugo sa sobrang inis. Hindi ko na namalayan na nakalabas na ang aking ina.

My hands were balled into fist at pakiramdam ko, nanginginig ako sa sobrang galit.

"Chaese.... Huy..." tawag niya sakin pero hindi ko siya pinansin.

"Babae..." bulong niya malapit sa tengga ko at sa isang iglap, paramg may lumuksong kung ano sa loob ko. Napamulat ako agad at napalayo sa kanya, sapo sapo ang aking dibdib.

"Ano ba? Huwag mo nha akong kinakausap, naiinis ako sayo!" sita ko sa kanya. Ang walangya, nakatawa pa din. Napapansin ko palagi niya na lang ako tinatawanan. Isa pa, hindi niya ko lagi pinapakinggan. Lahat ng maipilit niya, kailangan nasusunod.

Napaharap ako sa kanya.

"Bakit ka ba ganyan? Bakit mo sinabi kay Mama yun? Alam mo naiinis na talaga ako sa mga imbento niyo ng mga pinsan mo. Bawiin mo yun!" nanggagalaiti kong singhal sa kanya.

Hindi ko talaga maintindihan ang trip ng mga ito. Hindi ko din alam bakit sinasali nila kong pilit sa larong mukhang sila lang ang nakakaintindi.

Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ayoko. I already claimed you as my girl. Hindi lang sa lahat kung hindi pati na din sa nanay mo. Sa tingin mo babawiin ko na lang yun ng ganun ganun na lang?"

Napatingin ako sa kanya, hindi lubos makapaniwala sa kanyanh tinuran.

"Chase, okay ka lang? Ano bang trip niyo ng pamilya niyo at dinadamay niyo ako?" natawa ako ng bahagya. Ang gulo gulo na din kase.

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon