40

4K 206 101
                                    

Umiiyak...

"Ma'am..."

Napaungol ako ng maramdaman ang marahang pagyugyog ng kung sino sa aking balikat.

"Ma'am Andrea..."

Dahan dahang nagmulat ang aking mga mata at napatagilid ng higa. Pumikit pikit pa ulit ako dahil sa sinag ng araw na pilit nagpapahapdi sa aking mga mata.

"Manang?" takang tanong. Paos pa ang aking boses dala ng pagkakagising.

Nag aalangan itong ngimit at tila hindi sigurado sa gustong sabihin.

Napaupo ako agad sa kama. Hinagod ko pa ang magulo kong buhok at naoangiwi ng maramdaman na may sumabit pa sa aking daliri. Kadiri ka talaga Chaese.


"Pinapatawag po kayo ng papa niyo. Sumabay daw po kayo mag umagahan kasama ng mga kaibigan niyo. Ngayon na daw po dahil nakahanda na ang lamesa," saad niya.

Oo nga pala. Dito natulog sila Xantha at Cinco kagabi. Si Tita Monica lang ang nakakita sa kanila so hindi nakakapagtataka na magulat si papa.


Nag inat ako ng mga kamay at takang taka sa inaasta niya. Para siyang hindi mapakali.

"Okay lang po kayo Manang?" nag aalala kong tanong. May sakit ba siya?

"Ano ma'am, bumaba na po kayo," nagkukumahog niyang turan.

Nagkibit ako ng balikat tsaka bumaba na sa aking kama. Agad akong dumirecho sa banyo para maghilamos at magsepilyo. Hindi na ako nag abalang mag palit ng damit at itinali na lamang nag nakasabog kong buhok.

Parang lantang gulay akong lumabas ng aking silid at dumirecho sa baba. Late na din naman ako kase natulog.

Bago pa ako makaliko papuntang kusina ay naharang na ako ulit ni Manang.

"Sa gawing poolside po ma'am nakahanda ang mga pagkain," paliwanag ni Manang na agad nakapagpakunot ng noo ko.

Kahit pa nandito si Xantha at Cinco, kasya naman kami sa dining area ah?

Sumunod na lamang ako at kahit na may iilang hakbang pa ako ay parang may bumundol na kaba sa aking dibdib.


May mga boses at hindi ako pwedeng magkamali. Nang makaliko ng tuluyan ay halos malaglag ang aking panga sa sumalubong sakin.

"Hoy Andeng! Tanghali ka na gumising grabe ka. Kanina pa kami dito!" Napanganga ako ng makita ang buong grupo ng Puntavega na salo salo sa pagkain. Si Ulap at Lexo ay nakatayo pa na share sa plato. Si Papa at Tita Monica naman ay nakaupo kasama ang aking kapatid. Maging si Xantha at Cinco ay nakaupo din. Yung mga Puntavega lang talaga maliban kay Ice na parang antok na antok ang nakaupo at walang pakialam habang kumakain.

"Puyat ka ng puyat Andeng. Yung eyebags mo pwede ng isali sa contest," pang iinis ni Julio. Inirapan ko lang sila na ikinatawa naman ng lahat.


"Tita palagi po akong iniirapan ni Andrea," sumbong ni Lexo na ikinaangat ko ng kilay. Binelatan niya lang ako.

"Isusumbong kita dun sa babaeng humahabol sayo!" pangiinis ko sa kanya na ikinaputla naman ng loko. Nakita ko to minsan e. May kaaway na naman na babae. Nakakapagtaka nga kase samin lang to lumalapit. Sayang hindi ko nakita namg maayos ang itsura. Lagot talaga sakin to si Lexo kapag nakita ko yung babae niya.

"Baby pa kami ni Lexo. Tita o, si Andrea!"

Feeling ko talaga may tapyas yung utak netong dalawa na to e. Ang hirap talagang sundan.

CHASE (P.S#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon