This chapter is dedicated to baby Mariell Ymasa. Happy Birthday baby. Hope you enjoy your daym lab ka ni Ate Yoon :)
-----
Bibitaw....
"Bakit sambakol na naman yang mukha mo?"
Nadinig kong tanong ni Ate. Kasunod niya si Mattee at Xantha na hindi ko alam bakit mga nakatambay sa bahay.
Si Xantha nakapantulog pa. Hindi ko din magets bakit bigla silang naging close ni Ate. Simula yata ng dumayo siya dito nang nakainom, naging clingy na din siya sa kapatid ko.
"Xantha wala ka ng bahay?" pinagtaasan ko pa siya ng kilay pero ngumuso lang siya.
"Ayoko sa bahay nila Cinco. Palagi siyang nawawala. Baka nakabuntis na yun," sagot niya.
Natawa naman ako ng bahagya. Si Cinco makakabuntis? Sa sungit nun baka lalapit pa lang yung babae matunaw na sa sama ng tingin niya. Sila nga ni Chase minsan hindi ko alam kung magkaaway ba o magtropa. Minsan nagsusungit pareho, minsan naman pareho pa akong inaapi.
"E ikaw?" tanong ko kay Mattee. Kabaligtaran ni Xantha ay naka black leggings ito na pinartneran ng crop top na puti. Nakataas ang kanyang paa at nakapatong sa maliit na lamesa sa harapan.
She looked at me and pouted.
"Panay tawag nila e. Anong gagawin ko? Tsaka bakit ba ayaw mo kaming tumatambay dito e Chase is always here naman," ang gaga, pinagtaasan din ako ng kilay.
Saming lahat, si Mattee siguro ang pinaka-carefree. Yung walang pake sa nangyayari sa mundo. Of course, if it's about the boys and us siguro, dun lang siya may pakialam. Naaalala ko pa nung may nagconfess sa kanya habang andun kaminsa cafe. Si gaga nagsmile lang tapos sabi niya thank you.
Kawawa naman yung lalaki. Si Ate, isa din. Walang paki. Kay Xantha walang lumalapit masyado. Napakasungit din naman tsaka kalat na din na pinsan siya ni Cinco.
"Speaking of the devil, bakit hindi yata dito natulog? May LQ kayo?" si Ate. Dinampot niya ang isang throw pillow at niyakap. Wala kaming mga klase at sila Papa at Tita ay kapwa nakaalis na.
Sumandal ako sa armrest ng sofa. Ang siksik na namin dito.
Wala ako sa mood at ang bigat ng pakiramdam ko. Kanina nagtry ako magdrawing pero wala. Puro palaka yata nagawa ko e. Punyeta kase si Ulap. Nung isang araw may kinakanta tapos puro palaka ang sinasabi. Tapos si Lexo may action pa mga hayop talaga.
"Bakit ba dito kayo sumiksik lahat may iba pang upuan o. Tsaka ano ba yan, pataba ka ng pataba Xantha. Grabe si Kuya Aedree mag alaga ah," pang iinis ko. At gaya ng aking inaasahan ay agad nagsalubong ang kanyang kilay.
Itong si Xantha napakatahimik nung una kong nakilala pero simula ng magulo ni Kuya Aedree, lumabas ang pagkawalangya. Hindi ko din maintindihan kung anong meron sa kanila ni kuya. Sabi ni Chase wala naman daw kinukwento si Kuya Aedree. Sa bahay naman daw kase ay parang kuya talaga si kuya Aedree. Hindi katulad pag nasa labas kami na napakaplayful.
"Tigilan mo ko dyan. Akala mo di ko pansin na nililigaw mo usapan. Kahit isa sa tanong namin wala kang sinagot, leche ka,"
Napanguso ako sa sagot ni Xantha. Lahat sila nakaupo lang. Mukha kaming tanga sa totoo lang. Ang aga aga pero nakatunganga kaming lahat dito sa sala. Sobrang productive.
"Ano, di ka sasagot?"
Sinimangutan ko si ate.
"Hindi kami nag away, mga assumming," paglilinaw ko. Hindi naman talaga kami nag away. Kinakabahan lang ako. Hindi kase sinabi ni Chase sa iba na pabalik na naman si Cheska kase baka daw masira na naman mood ng mga to. Sa sobrang laki ng naging gulo nung nakaraan, at si ate daw galit na galit last time, napagpasyahan naming huwag na lang magsalita.
