Pait...
Pagkatapos kong humagulgol kay Mattee ay umalis na din kami. Naghintay pa kami ulit ng sundo dahil may emergency daw kaya umalis si Ulap na kasama niya.
Ang weird lang dahil si Manang parang may sasabihin pa pero pinigilan na lang ni Mattee. Sabi niya wala lang daw yun. Kanina daw kase muntik na niyang mabasg yung vase ni mama. Baka daw sasabihin lang ni Manang.
Hindi ko na lang din pinansin. Maya maya langbay dumating na din naman si Milan, seryoso ang mukha at para bang may iniinda ding hindi maganda.
"Nag away kayo ni Dee no? Lakas trip niyo talaga," natatawang sambit ni Mattee. Medyo nakakatuwa yung boses niya. Umiyak din kase siya kanina. Ayan tuloy, sinipon.
Napasulyap si Milan sa itsura namin ni Mattee tska marahan ang naging pagbuntong hininga.
"Let's go. Baka mainip yung ate mo. Tinotopak pa naman duon. Inaapi yung feeling kambal. Si Ulap paiyak na,"
Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit paano ang swerto ko pa din dahil may mga kaibigan ako.
Sumakay na nga kami ng sasakyan at nagtungo kung saan. Unlike Mattee, wala akong mapagkaabalahan dahil iniwan ko ang phone ko. Hindi ko pa kase magawang palitan ang lockscreen at dp ko. Si Keso pa din na siya pa ang nagpalit dati.
I can't even touch my phone now. Natatakot ako na hindi ako makatiis at tawagan na lang siyang bigla.
Inabala ko ang aking sarili sa pagtingin sa dinaraanan namin. Sino ba ang mahilig sa Unicorn at dito kami tatambay? Si Grey?
"Sino ang nandun?" tanong ko. Hindi naman sa namimili ako ng kasama pero huwag naman sana.
Kung si Grey nga ang nanduon ay malamang andun si Chase. Baka sabunutan ako ng babae niya ulit at hindi ko gusto yun. Baka bumigay na lang ako bigla.
Kahit na sinabi ko na magiging okay din ako, sa punto na to, siguradong bibigay na lang ako kapag hindi ko na kinaya.
"Silang lahat," sagot ni Milan na nakapagpatigil sa akin.
"Hindi na lang ako sasama," bulong ko at nag iwas pa ng tingin.
Kung nandun pala silang lahat, bakit pupunta pa ako.
"Hindi ikaw ang mali kaya bakit ka iiwas. Tsaka andun ang kapatid mo. Bakit ka matatakot,"
Natahimik ako. Hindi kase sila yung nakakaramdam ng sakit.
"Besides, Cheska is a family friend," dagdag niya na nakapagpalingon sa akin.
"So alam niyo na may relasyon sila pero hinayaan ko kong mahulog?" mapanghusga kong tanong. Hindi ko maiwasang magdamdam. Bago nga lang pala ako sa grupo nila. Kung matagal na nilang kakilala si Cheska, ano ang laban ko dun?
"Andrea, that's not what Milan meant. Whatever is happening, si Chase ang may karapatang magsabi sayo. We're not in the position to meddle," paliwanag ni Mattee.
Tangina.
Napatawa ako ng pagak. Ang nararamdaman ay hindi ko na naitago pa. "O baka kase masyado akong naging tahimik kaya siguro hindi niyo ako naituring na kaibigan katumbas ng pagiging kaibigan niyo sa kanya..." bulong ko. Walang sumagot.
Hindi na din ako kumibo hanggang sa makarating kami sa cafe. Wala namang silbi din. Walang magbabago.
Pagdating namin ay nakita ko pa na nakasuot ng onesie si Ulap at Lexo. Maging si Lantis ay nakasuot din ng unicorn onesie. Alam ko lang na si Lantis to kase nakasimangot. Kung si Grey to, baka kanina pa sila nagtatatalon.