Una sa lahat, pasensya na. Medyo busy sa work kase may isang buwan na lang ako. Tapos medyo nahuhumaling pa ko sa pag fb with fan acc. haha sorry na sa wrong spelling at kung ano pa. Tas pafollow naman ako sa Dreame. Nandun yung link sa bio. :)
---
Milan's POV
"Kapag hindi mo tinigilan yang pagkampo sa tapat ng kwarto ng kuya mo, susungalngalin ka niyan, sinasabi ko sayo," sita ko kay Ulap na nakaupo sa harap ng pintuan ng kwarto ni Chase, kipkip ang magkabilang tuhod habang yakap yakap ito. Sa tabi niya ay si Lexo na walang alam gawin kung hindi gayahin ang tanga niya ding pinsan.
Napailing na lamang ako. It's been three days and everything was a mess. Si Chase ay hindi lumalabas ng kanyang kwarto samantalang si Ulap ay panay na lang ang iyak sa labas. Plagi niyang kinakatok ang kakambal niya na hindi naman siya pinagbubuksan.
Lumalabas naman si Chase pero lamang kumuha ng tubig o para kumuha ng mapapapak. Mukhang nasa tamang pag iisip pa naman ang ungas at hindi pa nagbabalak ng masama. Yun nga lang, ni hindi mo makausap.
Nangyari na dati to. Chase shut himself out from us. Sobrang gulo, at si Cheska ang naging sandalan niya. Kaya kahit sumasakit ang ulo namin lahat ngayon dahil sa laki ng problemang nagawa niya ay hindi kami makapagsalita.
Napabuntong hininga na lamang ako.
Nag angat ng tingin si Ulap at bahagyang nadurog ang puso ko. Namumugto na ang mata ni tanga. Tapos ang kasama isa ding ulaga, umiiyak din. Dalawa silang akala mo nagfifilm ng show sa kaululan nila.
"Kuya... kawawa naman si Kuya Chase,: bulong niya. Nakapout pa ang hayop akala mo nakakatuwa. Pero alam ko, alam kong nag aalala din siya. Hindi naman tinatawag basta basta ng kuya ni Ulap si Keso.
Naglakad ako at umupo sa harapan niya. I messed up his hair and tried to smile,
"Magiging okay din yang kuya mo. E pabebe din yan e. Sigurado ako hindi niya din matitiis si Andeng," sagot ko.
Minsan hiniling ko din na sana hindi na lang ako ang naging panganay samin. Pakiramdam ko kase ay wala akong silbi.
Wala akong nagawa ng magdesisyon si Chase na siya na ang sasama kay Grey dati para magpagamot. Hindi agad narealize ni Ulap pero halos lahat kami maliban sa dalawang pinakabata alam na ginawa ni Chase yun dahil alam niyang malulungkot yung dalawa kapag naghiwalay sila.
Sila Dad wala namang pakialam. Ni hindi nga namin nakikita.
Si Chase, mukhang matapang, pero alam ko, nararamdaman ko, nahihirapan din siya. All this time, ang naging buhay na niya ay bantayan si Grey. Nung dumating dati si Cheska, natuwa kami. Kase si Grey naging jolly at halos bihira ng lumabas si Lantis. Akala nga namin gumaling na siya e. Tapos si Chase, naging masaya din. Kaya hindi naman nagtagal. Naging magulo din silang dalawa at pati si Grey naging magulo din.
Si Cheska, may anxiety disorder at hindi naging madali para sa kanila ni Chase ang maghiwalay. It took both our families to keep them apart. Cheska tried to take her life multiple times - sa harap ni Chase. Isipin ko pa lang kung gaano kahirap yun para sa kapatid ko, nanlulumo na ko.
Nang umuwi dito si Chase, naging iba siya, sobrang tahimik. Kaya nagulat na lang kami nung sinabi ni Lantis na may babae daw ang loko. Kahit naguguluhan kami nung una, sinuportahan na din namin dahil hindi naman kumakausap ng baabe yang si Chase. Tapos kapatid pa pala ni Dakota.
"Bakit ba kase ganun? Bakit ganun si Andrea kuya? Bakit niya sinasaktan si kuya Chase?" napalingon ako kay Lexo. Malungkot din siya.
"Oo nga. Akala namin na bati naman sila. Palagi kayang umaalis si Kuya dito pag gabi. E siyempre kay Andeng lang naman yun pupunta. Tsaka yung pagsipolsipol niya dito. Sipol ng nakamanyak yun e!"